Nag-umpisa ang lahat nang magwagi ako sa isang paligsahan ng pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI). Ang panuto ay hulaan kung sino ang mananalo sa mga kalahok ng isang patimpalak na walang pinagkaiba sa kilalang programang, “The Amazing Race”. Laking gulat ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan, nasa pahayagan raw ang aking pangalan at nagwagi ako sa naturang paligsahan. Nang mabalitaan ko ito, agad-agad kong sinadya ang tanggapan ng
Ang pag-aari nito ay nangangahulugang may kakayahan akong magbiyahe sa anumang destinasyon sa Pilipinas sa loob ng apatnapu’t limang araw. Kung hindi ko ito napanalunan, ito ay nagkakahalaga ng P16,500. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang aking mga balak upang maisama ako sa bilang ng mga pasahero. Bigla akong nanlumo, kung maaari lamang ibalik ang adventure pass upang mapagplanuhan kong maigi ang lahat at upang makapagyaya ng mga makakasama. Masyado akong nasilaw sa aking pabuya. Tumatakbo ang oras!
Ipinaalam ko sa lahat ng aking kaibigan ang aking premyo. Tulad ng aking inaasahan, natuwa sila para sa akin at nainggit na rin. Niyakag ko silang samahan ako sa aking paglibot sa Pilipinas. Subalit hindi sila pwede. Mayroong kagagaling lang sa bakasyon at wala nang panggastos, mayroon namang hindi magkatugma ang aming iskedyul at karamihan nama’y walang naiipon upang makabili rin ng adventure pass. Kahit isang destinasyon lamang, hindi rin maaari.
Bigla akong nalumbay. Ito na ang pagkakataon kong masilayan ang kagandahan ng mga inaasam kong destinasyon tulad ng Caticlan,
Taliwas naman dito ang pananaw ng kaibigan kong si Mark. Sa dinami-rami ba naman ng sumali sa paligsahan na iyon, ako pa ang napili. Hinihikayat niya akong magbitiw sa aking tungkulin upang masulit ang aking adventure pass. Ganoon din daw kasi ang gagawin niya kung siya ang nasa kalagayan ko. Tulad ng iba kong kaibigan, hindi niya kayang bumili ng adventure pass. Subalit sagana siya sa mga mungkahi, sa kanya ko nakuha ang ideyang mag-tent na lang upang makamura. Hindi ko naman kayang bitawan ang aking trabaho, lalo na’t kailangan kong tustusan ang sarili kong pag-aaral at sagutin ang ilang gastusin sa bahay. Wala rin naman akong ipon. Dumating pa nga sa punto na nakiusap ako sa tagapangasiwa ng Seair upang bigyan si Mark ng diskwento upang may makasama ako at binida ko ang kakayahan niyang manghimok at ang kanyang malawak na network. Sumang-ayon naman ito subalit kulang pa rin ang sampung porsyentong diskwento para kay Mark.
Nang matapos ang aking pag-aasikaso para sa aking pagbabalik-eskwela, naging madali ang desisyon kong tumulak mag-isa. Pumasa ako sa UP, kaya’t nararapat lamang na magdiwang. Sa Boracay! Nagtungo ako sa tanggapan ng Seair upang ipalista ang aking paglipad. Itinaon ko ito sa aking rest days sa opisina, ika-labingtatlong araw mula nang maangkin ko ang premyo. Uuwi rin ako ng hapon kinabukasan para makapasok sa opisina kinabukasan.
Nagitla naman si Mark nang mabalitaan ang aking hangaring magtungo sa isla mag-isa. Lalo na kung ito ang aking unang pagkakataong magsadya roon. Tulad niya, pag-aalala rin ang naging reaksyon ng iba kong kaibigan. Alam kong mapanganib ang aking layunin subalit sayang naman ang adventure pass kung hindi ko gagamitin. Hindi rin naman sumagi sa isipan kong ibenta ito sa iba.
Nagtanung-tanong ako sa mga nakapunta na sa Boracay upang ihanda ang aking sarili. May nagsabi sa akin na para lang itong Puerto Galera, pagdating ko sa isla, maraming mag-aalok ng kwartong matutulugan. Samantala, si Mark pala ay hinagilap ang kanyang kaibigang si Alex upang hanapan ako nang matitirahan. Nakabase siya mismo sa isla.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ukol dito. Nakakataba ng puso na may kaibigan akong gagawa ng paraan upang masiguro ang aking kaligtasan. Pero tila nabawasan ang misadventure na nag-aabang sa akin. Inisip ko na lang na manggagaling ako sa magdamagang trabaho at mahaba-habang biyahe kaya isang ginhawa na rin na may agad akong matutuluyan.
***
Nang lumapag na ang eroplano sa maliit na paliparan ng Caticlan, nadaig ng kasabikan ang aking agam-agam. Nabiyayaan akong makaupo sa tabi ng bintana kaya naman kitang-kita ko ang makapigil-hiningang tanawin mula sa himpapawid. Natuwa rin ako na diretsong Caticlan ang biyahe ng Seair. Hindi ko marahil matatagalan ang inip kung sa Aklan pa at may dalawang oras pang biyahe patungo roon.
Hindi ko alam kung saan ang labasan mula sa paliparan kaya naman sumunod na lang ako sa mga pasahero. Nang mapansin kong ang mga kapwa ko pasahero ay may mga pribadong sasakyan bilang sundo, nagtanong na ako sa mga taong nag-aabang doon. Hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagtatanong, lagi kong naaalala ang biro kung bakit umabot ng apatnapung taon ang Exodus ng mga Israelita: hindi kasi nagtatanong ng direksyon ang mga lalaki.
Tinuro nila ako sa sakayan ng mga traysikel. Dadalhin raw ako nito sa pantalan. Naaliw ako sa aking nakita. Mas mahaba at mas maraming tao ang kayang isakay ng traysikel nila. Dalawa sa tabi ng tsuper, apat naman ang kayang umupo sa likod. Bigla kong naalala ang mga traysikel o “motorella” kung tawagin nila sa Cagayan de Oro. Abot hanggang labing-isang tao ang kaya nitong isakay!
Nang matunton ko ito, nagpadala ako ng mensahe kay Alex na malapit na ako sa isla. Pumila na ako upang bumili ng tiket para sa bangka. Hiwalay pala ang pila para sa mga lokal at sa mga dayo. Pinasagot nila ako ng isang sarbey na naglalayong alamin ang aking profile at paraan at dalas ng pagtungo sa Boracay.
Nakatanggap ako ng mensahe kay Alex, nasa isla pa raw siya. Ihahatid niya pabalik ang kanyang bisita kaya hintayin ko na siya. Nagulat naman akong susunduin niya pa ako sa pantalan. Ang akala ko’y sa isla na mismo kami magkikita. Kaya naman tumambay muna ako sa pantalan. Tulad ng mga nababanggit sa akin kapag nagpapakuwento ako sa aking mga kaibigan ukol sa kanilang karanasan sa Boracay, marami ngang mga banyagang dumarayo rito. May napansin akong mga pamilyar na mukha, isa na roon ang isang tagapamahala ng isang resort ng White Beach sa Puerto Galera. Ang iba ay tila nakasabay ko nang mag-ehersisyo sa gym. Marami-rami pa rin pala ang nagtutungo rito kahit tapos na ang tag-araw. Ganoon siguro kaganda roon. Lalong sumidhi ang aking pananabik. Atat na akong lumangoy, maglibot at magpa-tan!
Maya-maya, may mensahe na naman mula kay Alex. Parating na raw siya. Tumugon naman ako at inilarawan ang aking kasuotan upang makilala namin ang isa’t isa. Hindi nagtagal at nagtagpo na rin kami. Wala siyang kasama kaya inisip kong hinatid na niya pauwi ang kanyang bisita. Kaakit-akit ang kanyang kasuotan! Naka-puti siyang pantaas at maikling palda. Kitang-kita ang kanyang pusod, hita at mga braso. Kapansin-pansin rin ang kanyang tan.
Masaya ang kanyang tinig at walang alinlangang bineso ako. Nakakahawa ang kanyang awra at napawi ang aking hiya. Hindi kasi ako sanay makipagbeso sa mga taong noon ko lang nakilala. Kunsabagay, nagkausap na rin kami noon nang pinakilala kami ni Mark sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang conference call. Pinaalalahan ko ang sarili na iwan na ang mga inhibisyon sa naturang pantalan. Ilang saglit pa’y nasa paraiso na ako!
Bago kami sumakay sa bangka, pinuri ko ang kanyang bihis. Tumugon naman siyang mga ganoong pananamit ang naiibigan ng mga kliyente niya. Nagulat naman ako na naririto siya upang maghanapbuhay. Nag-umpisa na siyang magkwento na nagbitiw siya sa kanyang trabaho. Nasasakal siya diumano sa iniikutan niyang kalagayan sa Kamaynilaan. Napapatango lamang ako sa kanyang mga tinuran. Totoo lahat ito! Kaya raw sumugal siya at nagtungo sa Boracay upang takasan ang lahat at magnegosyo muna. Isa siyang masahista at ang kanyang “boytoy” (kanyang termino) nama’y naghe-henna tattoo. Paano na pagdating ng tag-ulan? Paano na kapag wala nang masyadong turista? Nagkibit-balikat lamang siya saka tumugon ng, “Bahala na,”. Nakakamangha ang kanyang kalayaan! Bakit hindi ko kayang maging malaya tulad niya?
Maya maya’y umandar na ang motor ng bangka. May kapalpakan ang pandinig ko kaya hindi ko na siya inusisa pa. Maaalibadbaran lamang siya malamang kung ipapaulit ko lahat ng sasabihin niya. Saka, gustong-gusto ko talaga ang katahimikan kapag nakasakay ng bangka. Sa himpapawid pa lamang, naakit na ako sa kulay ng karagatan. Inasahan kong mas maganda ito kung malapitan. Hindi naman ako nabigo. Nagtatalo ang berde at bughaw! Puting-puti naman ang mga along gumuguhit sa tubig. Bahagya akong tumalikod kay Alex upang higit na mapagmasdan ito. Naibigan ko rin ang malalakas na hampas ng hangin sa aking pisngi, pati ang pakiramdam na wala akong pakialam kung tinatamaan man ng buhok ko ang katabi ko. Gusto kong humiyaw, “Walang ganito sa
Nang abot-tanaw na ang isla, napakunot ang aking noo. Napakaraming tao! Naunawaan ko na rin ang binanggit sa akin ng kaibigan kong si Mitchikoy na halatang hindi masusing pinag-aralan ang magiging disenyo nito. Tabi-tabi ang mga kainan at tindahan! Sa aking pakiwari, may igaganda pa ito.
Bago pa tuluyang dumaong ang bangka sa Station 1, nagsilapitan na ang mga lokal. Alam ko na ang kahulugan nito. Binalaan na ako ni Cleo kaugnay dito. Napailing ako nang makitang nagpabuhat ang mga banyaga sa mga nag-aabang na taga-roon. Triple pa sila sa bigat ng mga bumubuhat sa kanila! Alam naman nilang isla ang pupuntahan nila, alam nilang mababasa talaga ang mga binti nila bago makaapak sa tanyag na buhangin nito. Bakit pa sila nag-sapatos? Bakit sila magpapabuhat? Naawa naman ako sa mga taga-roon. Para sa halagang limang piso, magbubuhat ka ng humihingang baka na may dalang backpack? Wala naman sigurong magpapabuhat kung walang magbubuhat! Nakunsumi agad ako.
Nang pagkakataon ko nang lumusong sa tubig, may nag-alok na buhatin ako. Palibhasa’y umuusok ang ilong ko, hindi ako makaimik. Marihin akong umiling at maingat na pumanaog. Hinding-hindi ako magpapabuhat sa islang ito!
Nanumbalik ang aking galak nang maramdaman ko ang buhangin sa aking mga talampakan. Nakakabilib ang kaputian nito. Kakaiba rin ang kapinuhan nito, para akong nakatapak sa pulbos. Ang sarap marahil magpagulong-gulong dito!
Bigla kong naalalang kasama ko pala si Alex. Sumunod ako sa kanya. Ipinaliwanag niyang sasakay kami ng traysikel patungo sa aking tutulugan. Hindi naman naging mahirap ang pagtawag ng traysikel. Sumakay kami agad at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Hindi ko naman maalis ang mata ko sa aming nadadaanan. Probinsiya man ito, maraming mga bar, kainan maging estasyon ng radyo. Pagkapara ni Alex, huminto ang tsuper at siningil na kami. Agad naman akong humugot ng barya. Nakipagtalo naman si Alex sa Bisaya. Maya maya’y pinaliwanag niya sa aking labis ang hinihingi ng tsuper dahil mukha kaming dayo. Ito na nga ba ang pinangangambahan ko kapag nagtutungo sa lugar na hindi ako maalam sa kanilang dialekto! Nilingon ko ang mama; napakamot siya sa ulo. Kahit hindi pa nakakabawi sa yamot si Alex, ipinahayag ko ang aking gulat sa kanyang abilidad mag-Bisaya. Ilongga pala siya. Nakakaintindi na siya ng Bisaya noon pero mas nahasa ito simula nang manirahan sila roon.
Tinahak na naming ang daan patungo sa aking tutulugan. Natuwa akong masaksihan ang mga bahay ng mga residente, ang mga batang malayang naglalaro sa daan at ang sulok ng isla na marahil hindi binibisita ng mga banyaga. Ang sarap ng pakiramdam kapag tumutugon sila ng ngiti. Ang payapa talaga sa isang probinsiya!
Habang naglalakad, sinariwa namin ang aming mga karanasan sa kolehiyo. Nakilala niya raw si Mark sa dormitoryo. Iba naman ang tinatambayan kong dormitoryo noon pero natatandaan kong dumadalaw ako sa kaibigan kong tumutuloy malapit sa kanila. Ilang linggo rin kaming nag-shoot ng telesine malapit doon. Pero hindi ko sila nakita noon. Napapatango naman ako sa kwento niyang laging nagyayakag kumain si Mark. Kung saan-saan na rin kasi kami dinadala ng aming katakawan. Siya rin ang parating pasimuno ng pagtungo namin sa mga buffet. Dinagdag pa ni Alex na sinisilipan niya ito kasi nagagandahan siya sa puwet niya. Nagulat naman ako, hindi ako handa sa ganoong antas ng pagbabahagi. Tumugon akong hindi ko napapansin pero sisipatin ko agad pag-uwi. Siya naman ang nagulat. Akala niya raw ay magnobyo kami. Kumuwala ang isang malakas at mahabang halakhak mula sa aking bibig.
Nang lumiko kami sa isang hilera ng mga paupahang kuwarto, alam kong narating na namin ang aming sadya. Tinuro niya sa akin ang dulong kuwarto. Papasok na
Nang mag-isa na ako sa kwarto, nakaramdam ako ng inis kay Mark. Kalabisan na yatang atasan pa ang ibang tao upang bantayan ako. Ayokong maging alagain at maging sagabal sa kanilang gawain. Nakondisyon ko na ang sarili kong mag-isa akong lilibot sa isla. Hindi man ako batikan tulad niya sa pagbibiyahe, may tiwala naman akong kakayanin ko ito mag-isa. Pero hindi ko naman siyang makuhang awayin sa text. Pasalamat pa rin ako sa kabutihang-loob niya.
Wala naman akong mairereklamo sa aking silid. Maluwag naman ito, pang-dalawahan ang
Paglabas ko, naroroon pa rin ang magkapatid at niyaya na akong magtampisaw. Hindi na ako nagprotesta. Nang marating na namin ang tabing-dagat, pinakilala ako ni Alex sa kanyang katuwang sa negosyo/”boytoy” na nagngangalang
Panandaliang tinigil ni
Natuklasan kong hindi pala nila ginagamit ang kanilang totoong pangalan sa isla. Hindi nila nilinaw kung anong posibleng panganib ang kanilang iniiwasan. Saka isa itong paraan na naisip nila upang takasan ang nakaraan. Naibigan ko naman ang ganon, mas malaya siguro kung gagamit ng ibang persona sa bawat paglalakbay. Agad nila akong bininyagan bilang “Vivian”. Tumutol naman ako, may hindi kanais-nais na alaala ang gumuhit sa isip ko dahil sa pangalang iyon. Pero hindi sila nagpaawat. Vivian na ang binansag nila sa akin simula noon. Pumayag na rin ako, maganda naman kasi ang tunog at ang ibig sabihin nito.
Hindi nagtagal ay umahon na sina
Bago pa dumilim at bago ako makaramdam ng gutom, umahon na rin kami ni Cherry. Nagpaiwan sina Alex, mag-aabang pa raw sila ng kliyente. Gusto ko sanang magpamasahe at magpa-henna sa kanila. Pero hindi ako maaaring maligo agad pagkatapos nito. Siguro kung mas matagal ang ilalagi ko sa isla, pwede pa. Bumalik na kami ni Cherry sa silid upang magbanlaw at magbihis. Nasabik siyang tumambay sa mga bar pagkatapos ng hapunan. Sigurado siyang may makikilala ako roon. Agad ko naman itong kinontra. Sa aking pananaw, marami nang bars sa siyudad. Hindi alak at panlalalaki ang layunin ko sa pagtungo sa Boracay o kahit sa anumang isla pa. Hindi ko ugaling maghanap ng ganoon. Gusto kong magpakasasa sa dagat hanggang ako’y kumulubot at mangitim. Saka, nagdududa akong may makakapansin sa akin. Nilinaw naman ni Cherry na hindi salat sa pagkakataon ang mga malulusog na tulad namin sa islang ito. Sumang-ayon naman ako, nakuha ko kasing magsuot ng panligo nang walang agam-agam. Totoo ngang walang pakialaman doon.
Halos wala nang makainan sa sobrang dami ng tao. Hindi pa naman ako gutom pero gusto ko nang kumain kung saan may bakanteng mesa. Natatakot akong baka matuklasan ni Cherry ang pagka-tamagotchi ko. Pilit namang inaalam ni Cherry kung ano ang gusto kong kainin. Wala namang partikular na putahe. Hindi rin nagtagal ay nakahanap kami ng makakainan. Um-order ako ng steak. May kamahalan pero sulit naman dahil tunay na malasa ito.
Kahit na ilang beses na akong tumanggi, nanaig pa rin ang kagustuhan ni Cherry na uminom kami pagkatapos. Isang bote lamang, giit niya. Naaliw ako sa aming napiling lugar. Masarap ang bean bag na aming inupuan. Matapos nito, nagkasundo kaming umakyat sa groto. Low tide na kasi. Nang dumating ako, hindi ka makakapanhik dito dahil sa taas ng tubig.
Dahil may nakikita kaming mga batang tila nakatuwad at may pinupulot sa tubig, binanggit ni Cherry na hindi pinahihintulutang mangisda ang mga residente dito. Kaya napipilitan silang manguha ng ibang lamang-dagat na pwedeng makain. Subalit maging ito ay mahigpit na ipinagbabawal din. Ano naman ang kakainin nila? Probinsiya man ito, matataas pa rin ang presyo ng mga bilihin sapagkat tanyag itong destinasyon para sa mga turista.
Nagpatuloy siyang isang impyerno ang Boracay, hindi ito isang paraiso tulad ng inaakala ng nakararami. Hindi ko naman maunawaan kung bakit at hindi ko rin masabi kung nais ko nang malaman ito. Talamak raw ang prostitusyon at pagtutulak ng pinagbabawal na gamot dito. Ang dami kong nakitang mga Pilipinang nasa piling ng mga banyaga. Ayoko ko
Nagpaumanhin siya, pakiwari niya’y nagkalamat na ang aking pagtingin sa Boracay dahil sa kanyang mga tinuran. Wala naman siyang dapat alalahanin. May sumira na ng aking biyahe bago pa ako lumisan. Ipinagtapat ko ang sama ng loob ko sa aking ina at sa kanyang pagtutol na tumulak ako ng Boracay. Sabi niya, mas malayo ang mararating ng pera ko kung gagastusin ko sa mga makakahulugang bagay. Puro pasarap lang daw ako ng buhay. Ang masaklap pa rito, hindi niya na ako iniimik ilang araw bago ako umalis. Nakakasama ng loob magkaroon ng magulang na hindi sinusuportahan ang mga hilig ko. Ganyan na siya kahit noon pa. Sukdulan ang pagkontra niya sa aking pagsusulat at sa napiling kurso sa kolehiyo.
Hindi ko inaasahang mabubuksan ni Cherry ang aking puso nang gabing iyon. Kunsabagay, sadyang mas madaling magtapat sa isang estranghero. Siguro dahil hindi ka nila kilala at hindi na muling makakadaupang-palad sa susunod.
Napalitan naman ng kaba ang aking nararamdaman nang mapansing dumagsa ang kalalakihan sa ibaba ng groto. May ilan namang umakyat rin sa bandang tuktok. Agad akong niyaya ni Cherry pabalik sa aming silid. Pakiwari niya’y may magaganap na hindi maganda. Dali-dali kaming bumaba.
Nang matanaw ko na ang mga kastilyong buhangin, naging marahan na ang aking paglalakad. Akala ko noon ay nakatayo na ito dati pa. Ayon sa isang binatilyong lumikha nito, nag-uumpisa sila, sa tulong ng ibang batang nakapalibot doon, ng mga bandang ika-apat ng hapon. Nakakamangha ang mga taas at mga detalye nito. Hindi ko maikubli ang panghihinayang na hindi ko dala ang aking digital camera. May kamera nga ang aking cellphone pero hindi ako tiwalang magiging malinaw ang kalalabasan. Wala rin namang kamera si Cherry. Kumuha ako ng barya at nilagay sa lata na nilaan ng mga kabataan para sa mga donasyon. Tumulak na rin kami pabalik sa aming silid.
Hindi naging mahirap para sa akin ang makatulog nang gabing iyon. Kung tutuusin, tatlumpung oras na rin akong gising noon. Sa ibang pagkakataon kasi, sobrang hirap akong makahanap ng tulog. Hindi naman ako namamahay pero sadyang mailap sa akin ang antok kahit gaano man ako kapagod. Nang gabing iyon, sa ganap na ika-labing-isa ng gabi, hindi na ako dumilat pa pagpikit ng mga mata ko.
Nagising ako sa pagtunog ng aking alarm sa cellphone. Tunay na mahimbing ang tulog ko. Sanay na kasi akong magising bago ang takdang oras ng pag-alarm nito. Kung hindi man, paputol-putol ang aking tulog. Ika-pito’t kalahati na ng umaga. Dali-dali akong nagpalit sa aking panligo. Oras na upang ialay ang aking balat kay Reynang Araw!
Sarado pa ang silid nina Alex. Wala akong narinig ni isang kaluskos mula sa aking kinatatayuan. Nagalak naman ako sa oportunidad na mag-isa. Halos takbuhin ko ang daan patungo sa tabing-dagat. Natatakot akong baka bigla silang magising. Nang mailatag ko na ang aking sarong at iba kong gamit sa buhangin, saka na ako nagpadala ng mensahe sa magkapatid ukol sa aking kasalukuyang lokasyon. Natatandaan kong binanggit ko sa kanila ang aking hangaring magpa-tan pero minabuti ko pa ring ipaalala sa kanila. Naging maasikaso sila sa akin, ayoko naman silang mag-alala ukol sa aking kalagayan.
Lumangoy muna ako nang ilang saglit saka nagpahid ng tanning lotion sa buong katawan bago humilata sa aking sarong. Nakaramdam ako ng pangungulila sa aking kamera. Matutuwa si Lovelove kapag nakita niyang dinala ko sa Boracay ang binigay niyang sarong. Kapag humahapdi na ang aking balat, babangon ako upang magtampisaw at lumangoy. Tapos babalik ako sa aking sarong upang magpasunog. Inaamin kong medyo mahirap ang pagdapa para sa akin. Kaya nagbungkal ako buhangin saka nilapat ang aking sarong. Laking ginhawa para sa aking mga suso!
Walang katumbas na ligaya at kapayapaan ang naramdaman ko roon. Tila blangko lamang ang aking isipan. Hindi ko makuhang bigyang-pansin ang mga ibang tao.
Nang bumalik ako sa aking sarong, nakatunghay lang ako sa karagatan. Hindi pa rin humuhupa ang aking paghanga. Nagulat ako nang may tumawag sa aking pangalan. Lalaki ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.
“Doods?!” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Si Doods ay dati naming ka-opisina ni Mark. Matagal-tagal na rin siyang nagbitiw.
Binalita niyang wala pa siyang trabaho. Naririto siya kapiling ang kanyang pinsang balikbayan. Sagot raw nito ang lahat ng gastusin niya sa loob ng labing-isang araw nilang paglagi sa Willy’s. Sa Dakak naman daw sila sa susunod na linggo sa loob ng limang araw. Libre pa rin! Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti, abot anit naman ang taas ng kilay ko. Kung ganyan naman ang mga pagkakataong lumalapit sa iyo kung wala kang trabaho, nanaisin ko na ring maging tambay!
Inalok niya ang hawak niyang shake mula sa Jonah’s. Tumanggi naman ako, matitikman ko rin ito maya-maya. Nagtanong naman siya kung sino ang kasama ko. Sumagot akong mag-isa lamang ako. Nagulat siyang mabatid ito. Hindi nagtagal ay lumisan na siya upang bumalik sa resort.
Ilang minuto pa, narinig ko na ang tinig ni Alex. Bakit raw ako nasa lilim kung gusto kong magpa-tan. Kasama niya sina Cherry at
Inalok nila akong mag-flying fish. Dahil sa pangako nilang mas masaya ito kumpara sa banana boat, sumang-ayon naman ako. Habang naghanap sina Alex at
Dahil kilala ni Alex ang magpapa-andar nito, mas mura ang singil nila. Naghati kaming apat sa aming bayad.
Iyon ang una kong pagkakataong makakita ng flying fish. Tulad ng banana boat, pinalolobo (inflated) ito upang masakyan ng tao. Mas malaki ito at bahagyang nakataas (tilted) ang harapan. Pagkasuot namin ng life vest, lumugar na kami sa espasyo para sa mga pasahero. May mga hawakan kami sa taas ng aming ulo at kailangan naming dumapa. Kailangan naming kumapit habang umaandar ito nang ubod ng bilis sa loob ng dalawampung minuto. Kapag may nahulog, titigil ang flying fish upang makasakay muli ang pasahero. Mas pabor ako sa ganitong kondisyon. Nagunita ko ang mga kaibigan kong nahirapan na iahon ako noon sa banana boat. Tinakot ko ang sarili kong maiinis sila kapag nahulog ako. Bago umandar ito, nagpahiwatig si Alex ng kanyang paniniwalang kakayanin naming ito. Mas maganda raw kung walang mahuhulog upang masulit namin ang aming bayad. Tama!
Hindi pa nag-uumpisa ang lahat ay mabilis na ang tibok ng puso ko. Nagtatalo ang kaba at pananabik. Hinigpitan ko ang kapit. Natutusok na ng mga kuko ko ang palad ko. Hindi ako mahuhulog!
Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang umusad na kami. Tunay na mabilis ang pagpapa-andar. Napapahiyaw ako sa tuwa. Napapatihaya, napapatagilid at napapadapa uli kami. Nahuhubaran naman daw si Cherry, unti-unti nang bumababa ang kanyang shorts. Natawa kaming lahat.
Natatandaan kong hindi ko magawang imulat ang mata ko habang nakasakay sa banana boat. Nakakasilaw kasi ang araw at natatalsikan ng tubig-dagat ang mga mata ko. Sa pagkakataong iyon, dilat ako kaya’t nakikita ko pa ang mga ibang islang nadadaanan namin.
Ang tantya ko ay malapit nang matapos ang aming pagragasa; bumilib ako sa sarili kong kakayahang kumapit. Subalit bigla akong napabitaw! Totoo pala ang dati ko pang naririnig na “Ang bilis ng mga pangyayari!” Hindi ko matandaan kung ano ang nagdulot ng aking pagkakatapon sa dagat. Nahirapan akong tanggapin ito! Sinikap kong bilisan ang paglangoy patungo sa flying fish. Nagtatawanan sina
Pumuwesto uli kaming apat at nagpatuloy ang flying fish. Isang panibagong yugto na naman ito ng hiyawan at pagbali-baligtad. Nang ganap nang tumigil ito, nanatili kaming nakadapa habang humihingal. Masaya siya, nakakahapo nga lamang. Napuna kong medyo masakit ang aking tuhod. Ininda ko naman ito, malamang tumama lamang ito sa kung saan. Nasa buhangin na kami’t naglalakad patungo sa Jonah’s pero napapailing pa rin ako sa saya. Gusto ko pa!
Naputol ang aking pagpaplanong mag-flying fish uli pagbalik nang dineklara nina Alex at
Halos tanghali na rin noon kaya matao na sa paligid. Habang nag-aabang sa aking sinigang, nagpalinga-linga ako sa mga tindahan. Nadiskubre kong bukod sa pagbebenta ng load, may serbisyo pala na nagpapa-renta ng cellphone. Ayon kay Cherry, may mga banyagang turistang na nangangailangan nito.
Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, napansin ko ang presenya ng artistang si Katya Santos. Dinagdag naman ni Cherry na naglipana ang mga artista roon, lalo na si Marc Nelson. Halos doon na raw tumira sa Boracay. Noong isang araw daw, nagkagulo ang mga taga-roon dahil nasa isla pala ang mga artistang Koreano na tauhan sa isang Koreanovela. Halos hindi na ako nakakanood ng telebisyon kaya hindi ko kilala ang kanyang binanggit na artistang Koreano.
Dumating na ang aking sinigang bago pa tuluyang kumalam ang aking sikmura. Mainit na mainit pa ang sabaw. Naibigan ko rin ang asim nito. Tulad ng inaasahan, sariwang-sariwa ang gulay. Sulit! Akalain mong limampung piso lang ito? Kailangang mabalitaan ito ng tatay ko.
Nang mabusog na kami, nilisan na namin ang Blue Berry upang maglakad-lakad at magkuha ng litrato sa aking cellphone hanggang sa marating naming ang Jonah’s. Nakakatuwang kasama si Cherry, lagi siyang tagumpay na patawanin ako. Nakakasiguro akong hindi siya nagtatangka. Ramdam kong likas na ito sa kanya. Hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya. Ako rin kasi ang komedyante pagdating sa barkada.
Dahil paborito ko ang lasa ng tsokolate, chocolate milkshake ang napisil kong bilhin sa Jonah’s. Naaliw ako sa hitsura ng plastik na bote na naglalaman nito. Nakaukit kasi ang logo ng Jonah’s. Halatang pinapasadya nila ito. Mabilis ang desisyon kong iuwi ito sa
Sumakay na kami ng traysikel pauwi. Kailangan ko kasing dumaan sa ATM para sa aking gagastusin sa pamimili ng pasalubong. Bukod pa roon, mas masakit na ang aking tuhod. Agad akong naligo at nagbihis nang mapag-isa. Napakagulo tignan ng aking silid. Hindi ko muna inayos kasi mag-aayos din ako pagkatapos kong mamili.
Sinamahan ako ni Cherry sa Talipapa. Wala siyang bibilhin kaya pakiwari ko’y abala talaga ako sa kanya. Lalo na nang hindi ko na maikubli ang matinding sakit sa aking tuhod. Napuna niya kasing lagi akong nahuhuli. Tumitigil siya hanggang mag-abot kami, minsan nama’y binabalikan niya ako upang sabay kaming maglakad.
Nakabili ako ng piyaya at iba pang pagkain na ipamimigay sa mga kaibigan at kapatid at tank top at linen pants para sa sarili. Pinigil ko naman ang sarili kong bumili ng dreamcatcher sapagkat alam kong mas masuwerte ito kung bigay ng iba. Pabago-bago naman ang aking isip kung bibilhan ko rin ang aking nanay. Hindi man ako binigyan ng diretsong payo ni Cherry, napagtanto ko ring ibig ko siyang bigyan. Matapos ng matagal na pamimili, isang malaking Boracay bag ang aking iuuwi para sa kanya. Pareho kasi kaming mahilig sa malalaking bag. Sigurado akong maiibigan niya ito. Umaasa rin akong magiging paalala ito ng aming pagkakatulad kesa lalong paghiwalayin ng aming pagkakaiba, lalo na ng aming interes sa paglalakbay.
Ika-tatlo na ng hapon nang ako’y matapos sa pagsuyod ng Talipapa. Nagimbal ako nang mapansin ang oras. Ika-lima’t kalahati kasi ng hapon ang takdang oras ng paglipad ko pauwi ng Maynila! Naliligaw kami ni Cherry. Bukod pa rito, hindi pa ako nakakapag-impake! Binanggit sa akin ni Cherry na ganap na ika-apat naman ang huling luwas ng bangka patungong pantalan. Mapanganib na kasi ang alon kapag inabot na ng takipsilim. Hindi ko na mapigilan ang kabog ng aking dibdib.
Kahit saan kami dumaan ni Cherry, hindi namin matanaw ang kalsada. Sa aking kaba, halos nalimutan ko ang sakit ng aking tuhod. Kailangan ko ng traysikel higit kailanman! Pasalamat ako nang nahanap na namin sa wakas ang daan pauwi at nang makatawag na kami ng traysikel. Pero hindi pa rin nagbabago ang bilis ng aking pulso.
Nilipad ko ang daan patungo sa aking silid. Bakit kasi nasa dulo pa ito? At, sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit kailangang ngayon pa kumirot nang ganito ang aking tuhod? Kahit na gahol na sa oras, hindi ko matagalan ang lagkit ng aking balat sa pawis. Nakuha ko pang maligo. Habang ginagawa ko ito, naglalaro sa aking isipan na magpaiwan sa isla. Pero hindi talaga maaari.
Lalo akong nataranta nang tumambad sa aking paningin ang ga-bundok na damit. Hindi ako magkandatuto sa pagkahot at pagtiklop ng mga gamit ko. Gigil na gigil ako sa pagpiga ng mga basang damit, sarong at tuwalya. Hindi ko na nagawang pagpagin pa ang buhangin sa mga tsinelas ko, pinasok ko na agad sa plastik. Pinilit kong pagkasyahin ang lahat ng aking gamit sa aking backpack at ang aking mga pasalubong sa Boracay bag na nakalaan para kay Mama. Halos ayoko nang tignan ang aking orasan.
Hinatid ako ni Cherry sa sakayan ng mga bangka sa Station 1. Nasasaktan siya para sa akin, hindi niya naiibigan ang hitsura kong ika-ika maglakad at halos makuba sa dami ng dala. Nagtangka akong magpaalam kay Alex at
Habang nagtatagal ay lalong sumasakit ang tuhod ko. Bago ako sumampa, hinarang ako ng isang taga-buhat. Umiling ako, hinding-hindi ako magpapabuhat. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Marahil hindi siya nakumbinse sa pag-iling ko, umupo siya sa aking gilid at pinuwesto ako sa kanyang mga balikat. Nagpumiglas ako, kaya naman pagewang-gewang kami nang tumindig na siya. Huwag ko raw labanan at baka mahulog ako. Natakot naman ako, pakiwari ko kasi’y hinihila ang taas na bahagi ng aking katawan. Sapat na ang isang aksidente. Inaamin kong maginhawa ang pakiramdam nito, sobrang sakit kasi talaga kapag dinidiretso ko ang aking kaliwang tuhod. Nagpasalamat ako at nagbigay ng bayad. Hindi na iyon mauulit.
Puno ng alaala ang aking isipan at hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mukha habang lulan ako ng bangka. Bitin man ako, tunay na espesyal pa rin ang aking naging karanasan. Narating ko na ang isa sa ipinagmamalaking isla ng ating bansa, bininyagan ako bilang Vivian, natamo ko ang aking pinaghirapang tan lines, naranasan ko ang flying fish at nagsilbing inspirasyon sa akin ang magkapatid na Cherry at Alex. Nakaramdam na ako nang lungkot nang tumila na ang bangka. Lilisanin ko na talaga ang isla.
Naging mahirap para sa akin ang bawat hakbang. Buti na lamang at nakaabot ako sa oras kaya hindi ko kailangang takbuhin ang daan. Malayo pa lamang ako sa pasukan ng paliparan, nararamdaman ko na ang habag sa akin ng mga guwardiya. Nang makalapit na ako, pinakita ko sa kanila ang aking ID. “Mag-isa ka lang?” tanong ng isa. Umoo ako. Nang makita ng isa ang aking ID, nagwika siyang, “Sykes Asia? Kanina pa sa loob ang mga kasama mo.” Nilinaw kong mag-isa lamang ako. Maaaring mula kami sa iisang kumpanya, pero mag-isa lamang ako. Nabasa ko ang pagtataka sa kanilang mukha.
Naaawa man ako sa sarili ko sa ika-ika kong paglalakad, nakaramdam ako ng bilib sa sarili na nagawa kong maglakbay mag-isa. Kahit noong una ay may alinlangan ako at nakaramdam ng desperasyon na magsama ng kahit na sino, tumuloy pa rin ako at tunay na naligayahan. Dahil matagumpay ako, hindi na ako natatakot na tumulak sa isang destinasyon mag-isa. Batid kong kakayanin ko na.
Ito ay bahagi ng aking papel paglilinang ukol sa mga karanasan ng mga babaeng nagbibiyahe mag-isa.