Tuesday, August 4, 2009

[Supposedly Long] Weekend in Ifugao

[Supposedly Long] Weekend in Ifugao

Or to be more accurate, a 14-hour stay (bus rides NOT included) in Ifugao.

Oh yes, this is another addition to my growing list of quickie vacations. Remember the 23-hour stay in Boracay and the unbelievable 6-hour comeback? How about the 24-hour stay in Coco Beach in Mindoro during the declaration of PP1017 and another 24-hour drop by for my birthday celebration (performances by Advent Call and Tropical Depression hahahaha) there last year? Hmmm I can sense a pattern here. Should I come back to Ifugao, which is highly likely to happen, I would glue my ass my next to Bulul's and pretend that time stood still.

As always, my adventure started with the feeling of guilt in my gut. I deliberately failed to inform The Unbloggable™ that I'd be off for a solo sembreak-within-the-sem in the Mountain Province. Before you judge as completely suicidal, allow me to say I was aware of the potential risk. I was scared for myself, too.

My last trek was in Batad and Sagada 2 years ago. I had the company of good friends Fris, Ina and Mark who were happy - no, ecstatic - to stop for a break when I needed one. Either that or they just can't say no to the birthday girl. That time, I was with hiking enthusiasts whom I doubt would be willing to slow down for a poor, flat-footed nuisance like me. Worse, I didn't even bother to work out in preparation for this! All I cared about was my enormous need for escape from the metro and anticipated enjoyment of the mountain air. I was blinded with positivity that I will obtain the serenity and experience adventure that I badly deserve. Worst, there was a parade of typhoons visiting the country during the time of my trip. So yeah, good thing I was far from suicidal.

ARE WE THERE YET? ARE WE THERE YET? ARE WE THERE YET?!

The bus ride to Kiangan, Ifugao took 10 dragging hours. I saved my drowsiness all day for this trip. Little did I know that Autobus happens to have the most uncomfortable seats and frustratingly limited legroom ever! I had no choice since no other bus company offers trip to Kiangan.

Before boarding, I met up with Cricket, the Manila-based Save The Ifugao Terraces Movement (SITMo) volunteer who bought my bus tickets. He introduced me to the other women who would be joining the harvest tour namely, Jena, Melai and Tina. I sat next to Melai since the others were seated together. She was not shocked to hear I was all by myself since she had her share of solo travels. In fact, she recently treated herself to a solo trip to Batanes. She was in disbelief that I'd be crawling back to Manila the following night and ensued with the lecture I was quite welcoming to hear then. I managed steer the talk back to my dream Batanes. But my excitement turned to envy as her narration progressed. Eventually, without my permission, she left me for dreamland.

The sight of fellow passengers with their eyelids squeezed shut reminded me I need all the strength that I can get for the hike. Thus, I struggled to sleep. But I kept on waking up as if I were a baby with no diapers. To top it off, I realized I was not as tolerant to the freezing cold anymore. I was this close to snatch somebody else's blanket. Where had the sleeveless-in-Sagada spirit gone? Needless to say, I didn't get satisfactory snooze which, by the way, happens all the time, and I bet I must be the first passenger to wake up at 2 hours before we even get to reach the destination. How it sucks to be Morpheus's least favorite!

REACHING KIANGAN

SITMo volunteers Jonathan and Nilo were already wating when we bounced off the bus. Considering they have met the other women before, they welcomed me with equal warmth. We were escorted to the jeepney that took us to their office.

It was initially fascinating to hear them recall tales from their erstwhile journeys. As they went on, it became apparent they were on the move every single weekend. Much to their annoyance! I bit my tongue for a bitter retort. I would kill to achieve that kind of lifestyle!

Soon enough, my highly-trained nostrils realized that breakfast was ready. I went down with Cricket and the girls, selected food from the array of meals on the long table and found myself seated with the other tourists. I was next to a fellow solo traveler Ivana (born in USA, raised in Canada, attended school in Scotland), an Anthropology student who went there for research. I congratulated her for making it in spite of the heavy rains she endured and subsequently informed her I imagine my own thesis to have an anthropological approach. Her study was about utilizing anthropology for community development. She went on with the details but I was easily distracted by the piercing on her lipweb. (I initially mistook it as her gums.) It was my first time to see such. I was reminded of my aim to have my tongue pierced. I managed to suppress myself from staring at it and reserve my questions for later.

After breakfast, we all gathered to be introduced to one another and be informed about the activities waiting for us. I swallowed hard upon hearing the word "hiking" as the first activity of the day. Being surrounded by muscled and trigger happy souls made my tension mount, making me cross my fingers that my weekly panting spree to reach the fourth floor of Palma Hall and the consistently out-of-order escalator in MRT-Ayala station prepared me enough for this. In spite of my intimidation, I raced towards the jeep after the talk and distribution of IDs and nearly followed Ivana to topload when I realized I forgot to bring my sunblock lotion. Please don't squeal to my dermatologist.

AND THE HIKING BEGINS

The jeepney finally came into a screeching halt upon the view of male natives pounding rice in their giant mortar and female counterparts preparing ricecakes. Fellow tourists sampled on the mentioned sweets and took turns in pounding along with the natives. Nilo told me that during harvest season they are not worried about rice spilling from the mortar. Everyone is feeling generous.

Before we commenced the hike, I noticed the writing on the baranggay hall's (I assume) blackboard. It read the womenfolk proposed a liquor ban. Considering the amount of consumption and the cultural significance of rice wine, the image of sober gatherings made me scratch my scalp. Or they have a different definition of liquor ban? Must be so.

To my relief, the walk was mostly downward. I was more able to enjoy the view of the rice terraces and the rejuvenating air. The river glistened under the sunlight. The sound it made as it caressed the grey stones made me want to stop over, run my fingers through it and wash my face.

I suddenly missed my good friends. I bet they'd love this. Although it was fun and fulfilling to be on a trip alone, nothing beats the experience of sharing your thrill real-time with people that matter. For now, I'd have to keep it to myself. Soon, I'd gush about my brag-worthy tales next time we meet.



Something unexpected took place. I was taking my sweet time in crossing the lush greens and just allowed a fellow participant overtake on me when I suddenly slipped and fell flat on my butt. Jenna and the mentioned overtaker turned around to see what was going on. Jenna displayed concern, the latter was blank. Guess what I did? I stood up nearly a millisecond after my fall, dusted off the stain on my behind and flashed Jena a thumbs up and a triumphant grin. All that before I could even say, "Ouch!". I was astounded with my own action! Typically, I would verbally acknowledge the pain, blush myself to death and ask for help. In any order. All of a sudden, my mind played a montage of all the sources of resentment and disappointment I had been suffering from during that time. The fall - and the speedy rise - made my self-respect resurface and made my heart surge with hope. Things had been pretty shitty but, just as Bob Marley's immortal song said, every little thing is gonna be all right. I was so proud of myself.

The hike went on. The first stopover was to meet and greet the 100-year-old woman who was married to a US veteran. Her countenance looked younger than I expected. The next was for a quick repose and gulp of rice wine. I obliged. On the third, we were welcomed to witness an old man play an ethnic guitar and the rituals of rice wine making. We were treated to camote (dubbed as their "pan de sal") and more rice wine for refreshments. Reluctance registered in the faces of most tourists. One native explained (or at least to me) that it is not as potent if the intake includes solid food. Call me gullible or typically thirsty for such, I drank and ate away. I even took home 3 "goblets" made out of bamboo. How could I possibly turn down something free and bottomless?

The final stop was in the town of Nagacadan where throngs of natives prepared a program for us. I did not get to watch all their performances as Nilo took me to his friend's home for early lunch. Unlike the other participants of the tour, I had to leave by noon for Mongayong to experience the river wild. The others would stay together for another jeep ride to Uhaj (pronounced as Uha) for tree-planting and, possibly, bonfire and slumber party.

As soon I was bloated from the solo feast, I retraced my steps to the venue of the program. I was just in time to witness the newly-elected Governor Ted Baguilat express his gratitude for the tourists for coming over and plea to help them spread the word about Ifugao's heritage tourism. I was fortunate to interview him when he was in vacation in Quezon City about Ifugao and its tourism. He encouraged me to join the harvest tour and try river rafting in Chico River. Imagine my surprise when he came up to me and thanked me for pushing through. Shortly after, I was waving goodbyes to the fellow participants. Time to go for some water adventure!



RIVER RAFTING AMIDST THE RAIN

Nilo joined me for a bum-flattening, lump-inducing trike ride to Mongayan. The river rafting is not a part of their tour package and I was touched that he ensured I would get to the resort safe, sound and in time.

Upon getting there, I was immediately introduced to the doctor-couple who run the river rafting business and the operators Anton and Argel. I dashed to change into my swimwear in excitement. By 14:00, I, along with the doctors, their sons and two colleagues Marissa and Johann, braved the drizzle to get into the jeepney that would take us to the Mongayan Bridge.

Turned out Doc hailed from Cavite City and his family was from Digman (place in Bacoor known for halo halo and, yes, a silent witness of my post-class gimmicks in high school). His wife's mother was from Aniban (two baranggays away from mine). It was like I was back home. They were very nice to talk with and they treated me as if I were a neighbor back from a long vacation.

By the time we reached the bridge, it was already raining cats and dogs. Anton told us that, thanks to the downpour, the river, typically level 1-2, had become level 2-3. This means more turbulence awaited us. I shrieked in rapture. This is what I came for!

After some crash course how to raft, we were divided into two teams. Doc and his sons went first, followed by our group of 4. We were armed with helmets (mine was in puta red), paddle, lifevests and lots of fighting spirit. The next hour witnessed us paddle our way from the violent waters of Mongayan to Ibulao Bridge. Everything was fast and maddening: the sight of the water making a tall formation before us, the dangerous "curves" ahead and the huge rock that trapped us. Plus the mockery from Doc that, "Hala, di ka na makakauwi ng Bacoor!" There river was tranquil in some points and we, as a team, spent it high-fiving one another through our paddles or imitating Johann's frightened exterior. It was all laughs and screams. I nearly cried to see the Ibulao River and the band of men waiting to lift the rafts for deflation.

Fun can not begin to describe what I had experienced. I would definitely come back. With 18 brave souls so we can conquer Chico River.

Soundtrack:

1. Let Me Take You To The Mountain - Krush

2. Sound of Settling - Death Cab for Cutie

3. Midnight Eyes - Daydream Cycle

Photos here.

Pananaliksik sa Ifugao

Pananaliksik sa Ifugao

Bilang paghahanda sa aking papel paglilinang para sa klase ko sa Sosyolohiya, naisipan kong magtungo sa Ifugao at pag-aralan ang isang organisasyong nangngasiwa ng kanilang turismo. Nais kong alamin ang kanilang paraan upang palaganapin ang pagpapahalaga sa lokal na turismo ng Cordillera. Nabiyayaan ako ng pagkakataong makapanayam ang bagong gobernador ng Ifugao, Gob. Ted Baguilat, para sa aking kabilang klase ukol sa mga tanggapan ng pananaliksik (research firms) sa Ifugao. Nang madako ang usapin sa usapin sa turismo, nabanggit niya ang isinasagawang heritage tourism kung saan ang mga turista ay magkakaroon ng pagkakataong libutin ang pamayanan, makasalamuha ang mga taga-nayon, masilayan ang tanyag na hagdan-hagdang palayan at maranasan ang mga gawain ng mga magsasaka. Idinagdag niya rin ang makapigil-hiningang river rafting sa Chico River.

Nakipag-ugnayan ako sa Save The Ifugao Terraces Movement (SITMo) upang makilahok sa kanilang mga packaged tours. Sa aking pagkonsulta sa aking guro, pinaalalahanan niya akong masyadong pang-turista ang aking naiisip na pamamaraan. Bukod pa rito, masyadong malayo ang Ifugao kung sakaling kailangan kong bumalik upang dagdagan ang aking pananaliksik. Pero wala raw makakapigil sa akin kung gusto kong ituloy. Gawin ko na lang itong pagkakataon upang alamin kung ano talaga ang matingkad na konsepto na lulutang sa karanasang ito. Naunawaan ko ang kanyang mungkahi.

Matagal ko ring pinagdamutan ang sarili kong magbiyahe upang makapag-ipon para sa aking oral surgeries at negosyo. Idagdag pa natin ang pagod ko sa pagsasabay ng trabaho at pag-aaral. Nangungulila na ako sa sariwang hangin na sa kabundukan ko lang nalalanghap! Atat na rin akong makapag-river rafting! Siyang tunay, walang makakaawat sa aking tumulak sa Ifugao upang magkaroon ng “sembreak within the sem”.

***

Nagkasundo kami ni Cricket, isang boluntaryo para sa SITMo, na magtagpo sa istasyong Autobus sa España sa ganap na ikawalo’t kalahati ng gabi. Hindi pa kami nagkikita, nagpapalitan lang kami ng mga mensahe sa text ukol sa mga detalye ng biyahe. Siya na rin ang bumili ng aking tiket.

Maaga akong dumating. Hindi ko pa kasi natutunton ang naturang istasyon kaya naglaan ako ng karagdagang oras kung sakaling ako ay maligaw. Hindi ako nagkamali. Binaba ako ng unang dyipni na nasakyan ko mula sa Philcoa sa maling istasyon. Nagtanong ako sa matandang lalaki na nadatnan ko at binigyan niya ako ng direksyon.

Minsan ko nang tinanong si Nilo, ang boluntaryo na nakabase mismo sa Kiangan, kung maaaring sa istasyon na lang ng Autobus sa Kamuning ako magtungo. Mas pamilyar kasi ako roon; minsan na kaming sumakay ng mga kaibigan ko roon patungong Batad. Hindi ako masyadong maalam sa Maynila. Ipinaliwanag naman ni Nilo na sa España lang ang diretsong biyahe sa Kiangan.

Sa wakas natunton ko ang naturang istasyon. Binaba talaga ako ng tsuper at itinuro sa akin na nasa loob ito ng eskinita. Malapit ito sa Unibersidad de Santo Tomas (UST). Maliit lamang ito kumpara sa aking inaasahan. Hindi ako nagulat nang makitang maraming tao. Biyernes noon kaya malamang maraming pauwi o papunta ng Kiangan. May mga babaeng maraming dala, malamang ito’y kanilang pag-aari o mga bagay na maaaring ibenta. Karamihan naman ng mga lalaking nakita ko ay nakikipag-usap sa kanilang kasama; ang ilan ay abala sa panonood ng telebisyon at naninigarilyo. May mga nakita rin akong grupo ng mga Koreano. Tulad ng parati kong nasasaksihan noon sa pamantasan ng De La Salle sa Dasmarinas at sa mga bakasyon ko sa Cebu, Mindoro at Baguio, para silang may sariling mundo at nag-uusap sa malalakas na tinig. Tila wala silang interes makisalamuha sa mga Pilipino. May mga batang naghahabulan sa loob ng istasyon, mayroon namang tahimik lamang sa piling ng kanilang mga magulang. Natutuwa ako sa mga batang sanay nang magbyahe sa murang edad. Naalala ko ang aking sarili noon; ilang baranggay o bayan muna ang dinaraanan bago makarating sa paaralan. Maraming nagtataka na dumarayo pa ako at maraming nagsasabing nakakapagod ang aking binabiyahe. Sa aking palagay, nagsilbi itong pagsasanay sa mga mas malalayong biyahe tulad ng aking tatahakin ngayon.

Bumili ako ng malaking bote ng mineral water bago umupo sa mga nakalaang upuan para sa mga pasahero. Sampung oras din ang biyahe. Hindi talaga ako natulog buong maghapon pagkagaling sa magdamagang trabaho upang makatulog lamang ako buong biyahe. Nagsaliksik ako sa aklatan buong umaga at nakipagkwentuhan sa aking kasama sa dormitoryo bago naghanda sa aking biyahe. Habang naghihintay kay Cricket, nagpalipas ako ng oras sa pamamagitan ng pagte-text sa mga kaibigan. Alam halos lahat nila ang aking balak tumulak sa kabundukan mag-isa. Karamihan ay naiinggit; gusto na rin nilang takasan ang usok at ingay ng siyudad. Mayroon namang patuloy na nag-aalala kahit alam nilang naranasan ko nang magbiyahe mag-isa rati. Nakaugalian ko nang ipaalam kay Mama kapag ako ay nakakarating na sa opisina. Dahil hindi naman ako pupunta sa opisina nang gabing iyon, minabuti kong hindi mag-text sa kanya. Tinatablan pa rin ako ng konsensiya sa bawat pagkakataong hindi ko ipinapaalam ang aking mga biyahe o totoong kinaroroonan. Inaasahan ko nang magte-text siya kinabukasan upang alamin bakit hindi ako nag-text kung nakarating ako sa opisina o kaya’y tatanungin ako nang personal pag-uwi sa bahay sa Linggo. (Tumitigil ako sa dormitoryo sa buong linggo at umuuwi sa aming bahay sa Bacoor, Cavite kapag Linggo.) Doon na lang ako tutugon ng kabalintunaan. Hindi ko naiibigang magsinungaling subalit lagi akong kinokontra ni Mama sa mga biyahe ko. Delikado raw kasi at mas mainam kung gamitin ko na lamang ang pera na gagastusin ko sa ibang mas mahalagang bagay. Hindi niya nauunawaang mahalaga para sa akin ang bakasyon. Ayokong umpisahan ang aking paglalakbay ng may negatibong isipin tulad ng panganib. Ganyan ang parating pangaral ni Mama. Mas mabuting malaman na lamang niya ang tungkol dito pagkauwi ko. Wala na siyang magagawa pa.

Lagpas ika-siyam na ng gabi pero wala pa si Cricket. Nag-text siyang mahuhuli siya at manggagaling pa siya ng Makati. Tumugon akong nauunawaan ko at inilarawan ang sinusuot ko. Lumipat ako ng upuan matapos akong mapaligiran ng mga Koreano. Hindi ko matagalan ang kanilang ingay. Hindi ako masyadong komportable sa aking nilipatan sapagkat may kasikipan ito pero mas katanggap-tanggap na iyon kaysa dati. May namataan akong tatlong babae na masayang nag-uusap at kumakain ng sandwich habang buhat-buhat ang kanilang naglalakihang backpack. Sa aking palagay, mas nakakatanda sila ng kaunti. Maya maya’y naglaho sila sa harapan at muling makikita ko sa likod ng istasyon. Naisip kong gumalaw-galaw sapagkat sampung oras din akong uupo. Marami-rami rin ang nagbabala sa aking hindi kumportable ang mga upuan sa Autobus. Minabuti kong tumayo at maglakad-lakad habang naghihintay.

Makalipas ang ilang sandali, nakatanggap na ako ng mensahe mula kay Cricket na nasa istasyon na rin siya. Binanggit niya rin ang suot at dala niyang bag pero nauna siyang mahanap ako. Paglulan namin sa bus, agad niya akong pinakilala sa ibang turistang kasama sa tour. Sila ang tatlong babaeng nakita ko kanina. Magkatabi sina Jenna at Tina. Bakante naman ang upuan sa tabi ni Melai. Naupo na si Cricket sa unahan. Pumayag naman si Melai na umupo ako sa tabi niya. Napag-alaman kong nagkakilala silang tatlo sa kani-kanilang mga bakasyon at, kapag walang maaaring sumama sa kanilang para magbakasyon, niyayakag nila ang isa’t isa. Tinatangka pala nilang kumpletuhin ang mga tour ng SITMo. Ito ang aking unang pagkakataong sumali. Nagulat si Melai nang malamang uuwi na ako pabalik kinabukasan. Sumang-ayon si Cricket na akala niya nagkamali siya ng dinig sa tinuran kong uuwi rin ako kinabukasan bago kami sumakay ng bus. Ipinaliwanang kong hindi ko tatapusin ang tour ng SITMo sapagkat magri-river rafting ako sa kabilang ibayo ng Ifugao. Kailangan ko ring bumalik agad kasi may pasok na muli sa Lunes. Walang “holiday” na sinusunod ang call center.

Hindi naman nagulat si Melai nang malamang mag-isa lang ako sa biyaheng ito. Siya man ay nagbabiyahe mag-isa. Ang pinakahuli niya ay ang paglibot sa Batanes na itinuring niyang regalo sa sariling kaarawan. Namangha ako nang marinig ito. Isang paraiso ang Batanes! May sumpa ako sa sarili na hangga’t hindi ko nararating ang Batanes, hindi ako puwedeng magtungo sa ibang bansa. Marami akong katanungan ukol sa kanyang karanasan. Nang nagtagal, namataan ko na siyang nakapikit kaya hindi ko na siya ginambala pa. Nilingon ko sina Cricket at ang dalawang babae. Mahimbing na rin ang kanilang tulog.

Isang parusa para sa akin ang pagtulog. Hirap na hirap akong makahanap ng tulog, kahit na puyat at pagod ako tulad ng gabing iyon. Tulad ng inaasahan, maliit ang espasyo para makagalaw ang aking mga binti. Hindi ko rin mai-recline ang aking upuan. Naramdaman ko na rin ang lamig ng air conditioner. Nagtalukbong agad ako sa aking hooded jacket at ipinikit ang aking mga mata. Inisip kong kailangan ko ng lakas sa pag-akyat ng bundok bukas. Nakatulog naman ako. Subalit maya-maya ay naaalimpungatan ako. Ang pinakamasaklap ay nagising na talaga ako nang sumikat na ang araw. Hindi na ako makatulog uli. Tinatayang dalawang oras pa ang tinagal bago namin narating ang aming destinasyon. Nanghinayang ako sa pagkakataong matulog.

Dahil gising na kaming lahat bago pa dumating sa aming destinasyon, sinabihan kami ni Cricket na malapit na kaming bumaba. Nauna siyang bumaba at sumunod kami sa kanya. May dyipning nag-aabang sa labas. Sinalubong kami nina Nilo at Jonathan. Dahil magkakakilala na sila, naging mainit ang kanilang kamustahan. Nilapitan naman ako ni Nilo upang tanggapin ako sa Kiangan. Nagpasalamat ako at nagwikang natuwa akong marating ito. Simoy pa lang ng hangin ang nalalanghap ko, iba na agad ang aking pakiramdam. Nawala ang pagod at puyat! Hindi nagtagal at pinasakay na kaming lahat sa dyipni. Dadalhin kami nito sa opisina ng SITMo. Ang sarap ng paghampas ng hangin sa aking mga pisngi! Ang lamig at ang presko. Nakangiti ako habang nagpadala ng mensahe sa aking mga kaibigan upang ipaalam na nakarating ako ng Ifugao nang mapayapa at inggitin sila sa uri ng hangin na tinatamasa ko sa kasalukuyan.

Pagdating namin sa opisina, pinaakyat agad kami sa aming silid sa pangalawang palapag. Ang tanggapan, kusina at hapag-kainan ay nasa unang palapag lahat. Maraming single beds ang tumambad sa aming paningin. Karamihan sa kanila ay wala pang kobre kama kaya nagtungo kami sa mga kamang mayroon. Parang mga batang hindi nakauwi ng isang linggo, sabik kaming humilata sa napili naming kama. Matapos nang matagal-tagal na pagkakaupo, nag-unat ako habang nakahiga. Nanatili akong nakahiga habang nakikinig sa kanilang pag-uusap habang naglalabas ng mga naka-impakeng gamit. Nabatid kong linggo-linggo sila bumabiyahe. Mapapansin din sa kanilang mga bag, sapatos at digital camera at iba pang gamit na talamak sila sa paglalakbay. Sinariwa rin nila ang kanilang mga biyahe, maging ang mga bagay na natutunan nila. Hindi ko pa nararating ang ilang lugar na binanggit nila tulad ng Batanes, Romblon at Siquijor kaya naman wala akong maibahagi sa usapan. Nakaramdam ako ng inggit; nilalayon kong makapagbiyahe nang madalas upang malibot ang buong Pilipinas at mas makilala ang ating bansa.

May narinig kaming katok sa labas. Mag-almusal na raw kami, pagkatapos nito ay magtitipon na ang lahat upang ihanda kami sa nakatakdang aktibidades. Bigla naming naalala ang layuning maghilamos at maligo. Napaisip naman ako kung maliligo pa ako. Matagal kasi ako maligo. Ayokong maging patagal at baka mainip pa ang ibang turista. Nagkasya na lang ako sa hilamos at pagsipilyo. Kumpara kina Melai na dumiretso sa istasyon ng Autobus pagkatapos ng maghapong trabaho, nakaligo naman ako bago tumulak sa Ifugao. Ang ginhawa ng pagligo nang walang inaalalang oras ay isa sa mga bagay na dapat isakripisyo kapag may kasama sa biyahe, lalo na kung hindi naman masyadong matalik ang relasyon ko sa aking mga kasama. Kailangang makisama.

Nag-umpisa nang kumain ang ibang kalahok nang pumanaog kami. Hiwalay ang mesa ng pagkain sa hapag-kainan naming lahat. Nang lumapit kami sa hapag-kainan na dala ang aming mga plato, umurong ang mga kasalukuyang kumakain upang mapaupo kami. Katapat ko sina Melai. Isang banyaga naman ang katabi ko. Dahil tipikal sa mga Pilipino na usisain ang isang dayo, pinaulanan siya namin ng mga tanong. Si Ivana ay pinanganak sa Amerika, lumaki sa Canada pero kasalukuyang nag-aaral ng Antropolohiya sa Scotland. Pinili niyang aralin ang kondisyon ng Pilipinas at ang maitutulong ng antropolohiya sa pag-unlad ng lipunan bilang kanyang thesis. Mag-isa lang siyang nagtungo sa Ifugao pero sinamahan siya ng kanyang ama na naghihintay sa kanya sa Baguio. Hindi naging maganda ang karanasan nila roon sapagkat inabot sila ng malakas na ulan. Hindi na nalibot ni Ivana ang Baguio bago lumisan patungong Ifugao. Napag-alaman ko ring ilang araw na niyang sinasagot ang mga tanong na ito. Nauna pala siya sa amin ng dalawang araw. Napansin ko ring may piercing siya sa loob ng kanyang bibig na tila naka-angkla sa kanyang gilagid. Hindi ako naglakas-loob na magtanong ukol dito. Masakit yata iyon. Hanggang dila lang ang kaya ko.

Inamin kong kumukuha ako ng inspirasyon para sa aking sariling papel paglilinang kaya ako napadpad doon. Marahil natuwa siya na may kapwa siyang estudyante, nagpakuwento siya ukol sa aking pag-aaral. Sinabi kong Communication Research ang kurso ko pero interesado talaga ako sa antropolohiya. Dahil nalilimitahan ako sa aking natututunan ukol sa etnograpiya sa aming kolehiyo, pinili kong kumuha ng mga electives sa Antropolohiya at Sosyolohiya. Wala pa akong konkretong ideya para sa aking thesis pero inaasahan ko na agad na may lapit sa antropolohiya ang aking saliksik. Pumayag naman siyang bigyan ako ng sipi ng kanyang papel, sabay pa nga kami sa pagsabi ng “Related Literature!” at nagtawanan.

Nang matapos na kaming kumain, dinala namin ang aming mga plato sa kusina. Inako ko ang pag-urong ng pinggan subalit, ayon kay Nilo, may boluntaryong nakatakda para sa gawaing iyon. Maghanda na lang daw kami para sa nalalapit na pagpupulong ng mga turista. Nagpaalam na ako kay Ivana at muling umakyat sa aming silid. Dito ko hinanda ang mga gamit na dadalhin sa palayan at kung anu-ano naman ang iiwan. Napansin kong nasa panaganib na maubusan na ng baterya ang aking cellphone. Hindi naman ako nabahala, hindi naman ako pala-text kapag nasa bakasyon. Sa katunayan, ayokong nakikita ito. Nagsisilbi lamang itong alaala ng mga bagay na tinakasan ko. Subalit kailangan ko pa rin ng baterya, kung sakaling may sakuna o suliraning hindi inaasahan, makakatawag ako sa mga kaibigan ko sa kapatagan.

Hindi nagtagal at tinipon na kaming lahat. Nagpakilala kami sa isa’t isa. Ipinaliwanag ang layunin ng organisasyon. Binigyan kami ng sipi ng mga magiging kaganapan sa buong linggo. Tunay na makakatulong ang mapa ng Ifugao na nakalakip dito. Nakaramdam ako ng kaba nang mabasang pamumundok ang unang gagawin matapos ng almusal. Matagal na akong walang ehersisyo, maliban na lamang sa halos araw-araw na pag-akyat ko sa mga hagdan ng istasyon ng MRT Ayala at pagpanaog ko sa Liwasang Palma para sa aking klase kada Huwebes. Ang bakasyon ko sa Batad at Sagada pa noong Nobyembre ng taong 2005 pa ang huli kong akyat. Dahil kaarawan ko noon at mga matatalik kong kaibigan ang mga kapiling ko, maaari akong humingi ng pahinga sa paglalakad kung kailan ko man naisin. Nagduda akong posible ito sa pagkakataong iyon. Sinulyapan ko ang ibang kalahok at lalo akong napalunok sa kaba. Matitipuno sila, armado ng mga kagamitan at mga mamahaling kamera.

Nalungkot naman ako nang mabasang bukas pa magaganap ang pagtatanim ng mga halaman. Nakauwi na ako sa dormitoryo ko nang ganoong oras. Matagal ko nang ninanais makasama sa mga ganoon!

Matapos ng pagpupulong, maliksi kaming sumakay sa dyipni sa labas. Susundan ko sana si Ivana sa taas (topload) ng dyipni subalit napansin kong wala nang bakante. Sa loob, naroroon na sina Melai at isang grupo na tila mga photograper. Katabi ko naman ang isang boluntaryo na natandaan ko sa kusina. Nagkukulitan sina Melai noon at totoong nakakaaliw silang panoorin. Pero nanatiling mailap ang babeng katabi nila. May pagkakataon pa ngang tila naiinis na ito sa kanila. Mukha naming hindi ito napapansin nina Melai. O sadyang hindi sila nagpapaapekto?

Hindi ako sanay makakakita ng ganon. Sa aking karanasan, palakaibigan parati ang isang manlalakbay sa kanyang kapwa manlalakbay. Mas madali makipagkilala sa ibang tao sa mga ganitong pagkakataon. Iba rin talaga ang ugnayan kapag magkapareho ng interes. Naisip kong marahil iba ang dahilan ng babaeng ito upang sumama sa ganitong tour. Habang ang nakararami ay naroroon upang makalanghap ng sariwang hangin, makatulong sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim o mapagyaman ang kanilang karanasan, posibleng tumulak ang mga tulad niya roon upang mag-uwi ng magagandang litrato para sa isang publikasyon. Bigla kong naalala ang aking papel paglilinang. Subalit masyado akong masaya upang makaramdam ng pangamba.

Nakita kong nagpahid ng sunblock lotion si Tina. Nainis naman ako sa sarili ko, nalimutan kong dalhin ang sarili kong sunblock lotion maging ang aking insect repellant lotion. Sinundan naman siya nina Melai. Nakakahiya man, humingi ako ng kaunti kay Tina. Tumigil muna ang dyipni sa isang sari-saring tindahan upang makabili kami ng aming kakailanganin habang namumundok. Bumaba rin ako upang magbaka-sakaling may mabibiling sunblock lotion. Hindi naging matagumpay ang aking paghahanap. Tulad ng ibang turista, bumili ako ng mineral water. Mauhawin kasi ako. Para sa akin, hindi tamang makiinom ng tubig sa iba. Hindi ito tulad ng sunblock lotion na madaling ibahagi.

Sumakay muli kaming lahat sa dalawang dyipning nakalaan para sa aming mga dayo. Umusad kami ng ilang sandali pa. Habang wala pa kami sa destinasyon, tinanong ko ang katabi kong boluntaryo ukol sa ginagamit nilang dialekto. Iba-iba raw ang dialekto nilang mga boluntaryo pero nagkakaintindihan silang lahat sa Tagalog. Si Nilo, aking natuklasan, ay tubong Batangas.

Tumigil kami sa wakas. Natatanaw ko ang tatlong lusong at halo na halinhinang binabayo ng mga kalalakihang naka-bayag. Ang mga kababaihan nama’y nasa isang gilid, hinahanda ang mga kakaning nagmula sa mga bigas na binayo ng mga kalalakihan. Wala bang babaeng nagbabayo?, tanong ko sa sarili. Lahat kami ay lumapit sa kanila at nagkuha ng litrato. Nang ako’y matapos, naramdaman kong tinabihan ako ni Nilo at ipinaliwanag na, dahil sa kapistahan ng pag-aani, hindi apektado ang mga magsasaka kung tumatapon man ang bigas sa lupa. Galante ang lahat sa ganitong pagkakaraon.



Tila hindi pa rin tapos ang ibang kalahok sa pagkuha ng litrato. Sina Melai naman ay tumikim ng rice cakes na niluto ng mga kababaihan. Nagkuha lamang ako ng litrato. Gusto ko mang tikman, masyadong mataas ang blood sugar ko nang nakaraan. May diabetes kasi ang aking ina kaya binabantayan ko ang pagkain ng matatamis. Likas pa mandin ang hilig ko sa matatamis.

Binaling ko ang atensyon sa nagaganap na pagbabayo upang pigilan ang sariling bumigay sa tukso. Ang mga turista na ang mga nagbabayo, partikular ang mga kaibigan ni Cricket. Medyo nag-aalaskahan sila sapagkat hindi makakuha ng tiyempo ang isa. Maya-maya’y si Melai naman ang nagtangkang magbayo. Pinanonood ko sila nang matanaw si Nilo na may kaakbay na bata. Pinakilala niya ito bilang kanyang panganay.

Ilang sandali pa’y nag-umpisa na ang pagbaba namin sa palayan. Nagkasabay kami ni Tina sa pagkakataong ito, nagtaka siya kung bakit hindi ko tinikman ang mga luto ng kababaihan. Ipinaliwanag ko naman kung bakit. Napansin kong nakasaad sa pisara ng Samahang Pangkababaihan (Women’s League) na nagpahiwatig ng kanilang hangarin para sa pagpapabawal ng alkohol. Tinuro ko ito sa kanya. Hindi ko naman maunawaan kung bakit, batid kong mahalaga sa kanilang kultura ang pag-inom. Malamang panandalian lamang ito.

Tumigil muli kami upang bisitahin ang isangdaang-taong-gulang na balo ng isang Amerikanong beterano. Muli, nagkagulo kaming kunan siya ng litrato. Nakaupo lamang siya sa sahig at may tila rehas na gawa sa kahoy na nakalagay sa kanyang pintuan. Ang huling beses na nakakita ako ng ganoon? Noong batang-batang pa ang bunso kong kapatid upang pigilan siyang gumapang palabas ng bahay. Hindi naman siya pasalita at hindi naman siya tumututol sa mga flash ng kamera. Nakikipagkwentuhan na ako sa ibang boluntaryo pero hindi pa rin tapos ang iba. Nagloloko na rin kasi ang baterya ng aking kamera.



Nagpatuloy kami sa pagbaba. Nawalan na nang tuluyan ang aking kaba sapagkat hindi naman paakyat ang aming paglalakad. Hindi naman ako ang pinakahuli. Minsan ay tumitigil ako upang magkuha ng litrato. Dito ko naramdaman uli ang benepisyo ng pag-iisa. Hindi ako nagpapatinag kung ano ang gusto kong gawin at kung gaano katagal ko itong gustong gawin. Mag-isa akong naglalakad. Kapag may nakakasabay, edi nakikipagkwentuhan nang bahagya.

Nang makita ko ang dumadaloy na tubig sa ilalim ng tulay, nakaramdam ako ng saya. Makinang ito sa ilalim ng araw. Parang gusto kong maghilamos. Bigla akong naalala ang aking mga kaibigan. Malamang maiibigan rin nila ito.

Muli kaming nagkasabay ni Tina. Siya pa ang nakarinig na nagri-ring ang aking cellphone. May mensahe ako mula kay Archie, ang dating nobyo ni Hera, aking kaibigan sa opisina, inaalam niya kung magkasama kami. Tumugon naman akong kasalukuyan akong nasa Ifugao. Nagtanong pa uli siya kung alam ko ang numero ng isa pang kaibigan ni Hera. Hindi na ako tumugon uli dahil hindi ko alam at paubos na ang aking baterya. Bukod pa rito, wala akong balak makisangkot kung ano na naman ang kanilang hidwaan. Nagpadala ako ng mensahe kay Hera ukol dito at nakiusap na ayoko ng istorbo. Nakunsumi na ako nang tumawag na si Archie. Nasa Ifugao ako! Bakit may gumagambala sa akin? Pinatay ko na ang aking telepono. Wala akong pakialam kung isipin niya pang pino-protektahan ko ang aking kaibigan. Sumang-ayon si Tina na mainam nga ang gayon.

Nang tumigil si Tina upang magkuha ng litrato, nagpatuloy na ako sa aking paglalakad. Namataan ko si Jena na ilang dipa ang agwat sa akin. Ang babaeng mailap (ang photographer, sa aking estima, na katabi nina Melai kanina sa dyipni) nama’y humaharurot kaya nagbigay-daan ako.

Ilang sandali pa’y bigla akong nadulas at napaupo sa lupa. Bigla akong tumayo sa aking kinasadlakan bago ko pa makuhang magsabi ng “Aray!”. Nagulat rin ako sa bilis kong bumangon. Kilala ko ang sarili ko. Kalimitan ay humihingi muna ako ng saklolo. O magrereklamo kung gaano kasakit ang aking sinapit. Anuman ang mauna. Nang sandaling iyon, wala akong ibang naisip bukod sa pagtayo o nakaramdam man ng pagkahiya. Napansin kong natigilan pala at lumingon sina Jena at ang babaeng mailap. Nabasa ko ang pagmamalasakit kay Jenna. Nanatiling blangko ang mukha ng isa. Ngumiti at tinaas ko ang aking hinlalaki para kay Jena. Nagpatuloy na sila pareho sa kanilang paglalakad.

Natuwa naman ako sa aking naging reaksyon sa naganap. Umusbong ang respeto sa sarili at nakaramdam ng tiwalang kakayanin ko anuman ang aking sapitin sa Ifugao. Maliit lamang ito kung tutuusin pero lumaki talaga ang kumpiyansa ko sa sarili, maging sa mga suliraning panandalian kong tinakasan. Hindi ko talaga mapawi ang ngiti sa aking mga labi. Kahit nang inabutan na ako ni Tina at napansing may dumi ang aking puwitan, nakangiti lamang akong inamin na ako’y nadulas. Tulad ni Jenna, nag-alala siya sa akin. Sabi ko wala iyon. Biniro niya akong nanghinayang siyang hindi ito nasaksihan, edi sana nakunan niya ako ng litrato. Maya-maya’s muntik naman akong madulas pero tinawanan ko na lamang ito.

Tumigil kami muli upang magpahinga. Binigyan kami ng isang baso ng rice wine. Nagpaunlak naman ako. Muli, may lusong at halo na binabayo naman ng dalawang babae. Natuwa ako sa aking nasilayan at nagkuha muli ng litrato. Nang matapos ako, nakita kong nag-uusap sina Melai at ang mailap na babae ukol sa kamera ng huli. Nakikipag-usap pala ito.

Si Ivana naman ang aking nakasabay nang umusad na kami muli. May nakilala siyang manunulat sa taas kanina at binigyan siya ng sipi ng kanyang aklat. Natuwa naman ako para sa kanya. Subalit hindi raw siya sigurado kung magagamit niya ito sa kanyang pananaliksik. Hindi naman iyon problema, tugon ko, mas mainam na ang masyadong maraming impormasyon kesa kulang. Hindi man magamit para sa pag-aaral, pwede naman itong idagdag sa koleksyon ng mga aklat. Hindi na masama, lalo na kung libre naman. Sumang-ayon na rin siya.

Dinala nila kami sa isang tahanan upang kumain muli. May handang kamote at rice wine sa lamesa para sa aming lahat. Tumutugtog naman ng katutubong gitara ang isang matanda. Nakabihis siya ng kanilang katutubong kasuotan. Ayon kay Nilo, ang matandang ito na lamang ang marunong gumamit nito. Nakakalungkot kung iisipin, wala nang magpapatuloy nito. Muli siyang pinagkaguluhan ng mga kalahok upang makunan ng litrato. Makikisali sana ako pero hinintay ko na silang mabawasan. Dahil masikip, pasamantalang pinatigil ang matanda sa pagtugtog upang bumaba sa hagdan. Mas may espasyo kasi sa baba. Nahirapan siyang bumaba sapagkat halos hindi magkamayaw ang iba sa pagkuha ng litrato kahit na narinig nilang bababa na siya. Umupo ako sa isang mahabang bangko habang naghihintay sa aking pagkakataon. Hinimok naman ako ng isang lider na tikman ang kanilang handa. Ang kamote raw ang kanilang pandesal. Hindi naman ako mahirap kausapin, kumuha ako ng isa. Inalok niya rin ako ng rice wine. Tumanggi ako sapagkat nakainom na ako kanina. Pinabulaanan niyang nakakalasing ito. Hindi raw tumatalab ang bisa nito kung may kinakain. Binigyan niya ako ng biniyak na kawayan bilang baso at nilagyan ng rice wine. Sinigurado kong sumusubo ako ng kamote bago uminom. Nag-aalok rin sila ng kape, nilalagay nila ito sa biniyak na bao ng niyog.



Bilang isang sentimental na basurera, nais kong mag-uwi ng biniyak na kawayan. Berdeng-berde pa ito, halatang bagong biyak. (Sa kasalukuyan, manilaw-nilaw na ito) Ganoon rin pala ang iniisip ng isang kaibigan ni Cricket. Nagpakilala siya sa akin at nakipagkamay. Pero nalimutan ko na ang kanyang pangalan. Nagpaalam naman ako kay Nilo kung maaari. Pinaalala niya sa akin ang sinabi niyang mapagbigay ang mga taga-roon kapag panahon ng ani. Kumuha ako ng isang kawayan. Kumuha naman ng tatlo at dalawang bao ng niyog ang kaibigan ni Cricket. Kaya naman dinamihan ko na rin ang kuha.

Maya maya, ipinapakita na sa amin ang seremonyas ng paggawa ng rice wine, tampok pa rin ang matandang lalaking tumugtog kanina. Nasaksihan kong sinala nila ang mapula-pulang bigas na matagal pala nilang inimbak bago ito naging rice wine. Muli, nag-agawan na naman kaming mga kalahok sa espasyo upang makunan ito ng litrato.



Mas naging mapanghamon ang daan pababa mula sa tahanang iyon. Nakita kong natigilan si Ivana bago umusad. Hawak-hawak niya kasi ang iuuwi niyang basong gawa sa kawayan. Sling bag lamang ang kanyang dala. Duda akong kakasya pa ang mga ito, puno na ito ng kwaderno at aklat. Upang makababa, kailangang libre ang parehong kamay upang makakapit sa mga puno. Inalok kong itago muna sa aking backpack ang kanyang mga baso. Nahiya naman siya, baka raw di na kasya. Binuksan ko ito upang makita niyang marami pang espasyo. Pumayag rin siya sa wakas.

Sabay na kami sa paglalakad simula noon. Magkasama kaming tumunghay sa isang pamilya ng itik-itik sa putikan. Hindi ko naman maipaliwanag sa kanya kung ano ang itik-itik. Lumisan na kami nang nagdatingan na ang mga kaibigan ni Cricket. Nagkuha rin sila ng litrato ng mga ito.

Ika-labing-isa na nang umaga nang dumating kami sa katapusan ng tour nang umagang iyon sa Nagacadan. May isang sementadong espasyo na may malaking bubong sa gitna ng kanilang pamayanan. Sa aking estimasyon, dito ginaganap ang kanilang mga pagpupulong. May hinanda palang programa para sa amin ang mga taga-roon. May isang grupo ng babae na umawit sa kanilang dialekto ngunit nagtapos sa Ingles. Bumalik ang matandang lalaking tumugtog kanina upang tumugtog uli ng iba namang instrumento na kawangis ng harmonika.

Maya maya’y nilapitan ako ni Nilo at dinala sa tirahan ng kanyang kaibigan. Aalis na kasi ako nang tanghali upang pumunta sa Mongayong para sa river rafting. Sa mga kalahok, ako ang mauunang mananghalian. Napakaraming kaldero at pagkain ang tumambad sa aking paningin! Puro gulay ang mga ito. Kulay maroon naman ang kanin. Sinabayan na rin ako ni Nilo. Doon ko napag-alamang taga-NGO pala siya dati at naatasan siyang sa Ifugao manilbihan. Doon na niya nakilala ang kanyang napangasawa at tumira. Matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakakababa sa Batangas. Hinimok niya rin akong mag-NGO pag natapos ko na ang aking kurso. Hindi naman ito malayong mangyari dahil naiibigan kong magbiyahe, maglingkod sa kapwa Pilipino at nais ko talagang palawakin ang aking kaalaman.

Bumalik na ako sa programa nang ako’y mabusog. Lalapitan na lang daw uli ako ni Nilo kapag oras na upang tumulak sa Mongayong. Sa aking pagbabalik, nakita kong bakante ang upuan sa tabi ni Ivana. Tinabihan ko siya at binalik ang kanyang mga basong kawayan. Papaalis na kasi ako. Abala siya sa pagtatala ng kanyang obserbasyon kaya hindi ko na muna kinausap. Hindi nagtagal ay binahagi niya ang kanyang tuwa sa pagtanggap sa kanya ng mga taga-roon. Batid kong handa silang tumulong sa kanyang pananaliksik, dagdag ko. Dahil sa aking napipintong paglisan, naglakas-loob na akong itanong ang tungkol sa kanyang piercing. Nagbabalak kasi akong ipa-pierce ang aking dila. Nilinaw naman niyang hindi ito sa gilagid, kundi sa lipweb. Walang kimi niyang pinisil ang kanyang pantaas na labi at pinasilip sa akin ang kanyang piercing. Malambot lamang daw ang balat dito kaya hindi siya nasaktan. Mas masakit pa raw sa dila. Nagkwento akong nagpa-oral surgeries ako bilang paghahanda rito. Wala nang mas sasakit pa raw roon. Para sa akin, handa na akong masaktan uli.

Tinawag ang bagong gobernador upang magtalumpati. Nagpasalamat siya sa aming mga kalahok at nakiusap na ikalat ang balita ukol sa kanilang heritage tourism. Nang nagsayaw na ang mga kalalakihang naka-bayag, sumali rin si Gob. Baguilat. Nagulat naman ako ng, pagkatapos ng programa, lumapit sa akin si Gob. Baguilat upang magpasalamat. Natuwa raw siyang tumuloy ako.

Nang panahon na upang umalis, nagpaalam na ako sa mga kapwa kalahok. Tumulak na kami ni Nilo sa isa na namang yugto ng paglalakad pababa. Salamat kay Nilo, nagkaroon ako ng litrato mag-isa na may tanawin ng hagdan-hagdang palayan. Tumawag si Nilo ng traysikel na maghahatid sa amin sa kanilang opisina. Malubak ang daan at medyo matagal ang biyahe. Pagbalik sa opisina, binigay niya sa akin ang souvenir t-shirt at inayos ko na ang aking mga gamit. Wala kaming inaksayang oras upang magtungo sa kabilang ibayo ng Ifugao.



Dumating kami roon ng bandang kalahati ng ika-isa ng hapon. Ako sana ang magbabayad ng traysikel subalit inawat ako ni Nilo. Malaki na raw ang ginastos ko sa pagsadya sa Ifugao, siya na raw ang bahala. Mapilit siya kaya nagpaubaya naman ako. Dahil maaga pa nang dumating kami, pinakilala niya ako sa mag-asawang manggagamot na nagpapatakbo ng resort at tumambay muna kami kasama sina Anton at Argel, ang may-ari at operator ng river rafting roon. Sa katunayan, sa Tuguegarao sila nakabase. Sa Maynila naman ang huli. Umaakyat lamang siya kapag Sabado para sa raket na ito. Nagtungo sila rito sa Ifugao sapagkat pinatawag sila ni Doc sapagkat may mga bisita siyang gustong mag-river rafting. Kasama na ako roon. Nakilala ko rin si Jun, isang tauhan nina Doc na Ifugao. Habang nagbibigay ng payo si Argel kay Nilo ukol sa mga taktika upang mapagyaman ang kanilang turismo, tinanong ko naman si Jun ukol sa kanyang pango, isang katutubong kwintas na hindi nila maaaring hubarin kapag nasuot na nila. Bata pa lamang siya nang sinuot niya ito. Mayroon din siyang kakaibang Bulul sapagkat medyo nakatungo at may hawak itong ulo. Paalis-alis nga lamang siya para asikasuhin ang mga utos ni Doc.



Bago mag-ika-dalawa ng hapon, nagpalit na ako sa aking panligo. Iiwan ko kasi sa resort ang aking mga gamit. Nang aalis na kami, nagpaalam na ako kay Nilo. Iyon pala’y hihintayin niya akong makabalik mula sa ilog. Tunay na napakamabait ni Nilo. Ilang beses naming siyang pinilit sumama sa amin pero sukdulan raw ang takot niya sa tubig. Inamin kong ako rin naman pero kailangang harapin ang mga ito.

Umambon na bago pa kami makasakay sa dyipning magdadala sa amin sa Tulay ng Mongayan. Kasama ko ang mag-asawang manggagamot, ang kanilang dalawang anak (isang binata at isang patapos na ng elementarya), kanilang kasama sa ospital na sina Marissa at Johann (na nakababatang kapatid pala ni Gob. Baguilat) at si Jun. Hindi sasama ang huli sa mismong river rafting. Pakiwari ko’y para lamang itong family outing at isa akong bisita.

Halos isang oras din ang biyahe. Natuklasan kong taga-Cavite rin pala si Doc. Tubong Cavite City siya pero may mga kamag-anak siya sa Digman. Ito ang tanyag na lugar sa Bacoor na dinadayo pa dahil sa kanilang halo-halo. Hindi nagkamali si Doc nang hulaan niyang doon kami tumatambay ng mga kaklase pagkatapos ng klase. Si Doktora nama’y sa Ifugao na ipinanganak pero ang kanyang ina’y taga-Aniban, ang baranggay na nasa bukana namin. Ang liit talaga ng mundo! Napakabait nila sa akin, pakiramdam ko’y isa akong kapitbahay na kakabalik lamang mula sa isang mahabang bakasyon.

Nang dumating na kami sa tulay, halos bagyo na ang lakas ng ulan! Ayon kay Anton, ang bilis ng ilog ay nasa level 1-2 lamang at, dahil sa lakas ng ulan, naging 2-3 na. Isang oras rin ang aabutin ng aming pakikibaka sa bayolenteng tubig mula sa Mongayong hanggang Ibulao. Napasigaw ako sa sabik. Ito na ‘yun!

Kahit giniginaw kami sa lamig sa lakas ng ulan, nakinig kaming maiigi sa mga turo ni Argel ukol sa pagpa-paddle at kung anong gagawin kung sakaling matilapon kami sa ilog. Hinati nila kami sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay kinabibilangan ni Doc at ang kanyang dalawang anak. Kasama ko naman sina Doktora, Johann at Marissa. Binigyan na kami ng helmet, lifevest at paddle. Tumakbo na si Anton upang kunan kami ng video.

Naging makapigil-hininga ang lahat! Mabilis at kadalasa’y malakas ang hampas ng tubig. Kapag nangyayari iyon, lalo kong ipinapasok ang paa ko sa loob ng raft. Nakakatakot ring makita kapag ang taas-taas ng tubig sa aming harapan. Sadyang sa hiyaw na lamang namin nilalabas ang aming tensyon. May pagkakataon pang nasadlak kami sa isang malaking bato at hindi kami makausad. Pinaliguan naman kami sa kantyaw ng kabilang grupo. Tinakot pa ako ni Doc, “Hala! Di ka na makakauwi ng Bacoor!” Naramdaman din naming tila sinasadya ni Argel na itapon kami sa tubig pero kumapit talaga kami. May pagkakataon namang kalmado ang tubig at, kapag gayon, pinagtatama namin ang aming mga paddle tila nagha-high five kami o ginagaya ang takot na takot na reaksyon ni Johann. Sobrang saya, wala kaming ginawa kundi sumigaw o tumawa.

Nakaramdam naman ako ng kalungkutan nang matanaw na ang tulay sa Ibulao. Ibig sabihin kasi nito’y tapos na ang lahat. Hindi ako agad nakatayo sapagkat nasobrahan marahil ng pagkakaipit ang aking paa.

Malapit na sa tirahan ng mag-asawa ang tulay. Natuwa ako nang makita si Nilo, tanaw niya raw ang lahat ng aksyon mula sa taas. Tumuloy kami sa kanilang tirahan uli. Pinakain ako ng mag-asawa ng merienda. Naka-dalawang balik ako sa baked macaroni at sa iced tea. Akala ko’y sisingilin ako tulad ng binanggit sa akin ni Nilo bago kami makarating doon pero hindi na. Agad namang lumisan sina Johann at Marissa upang bumalik sa ospital. Matapos nito, binigyan rin nila ako ng isang bote ng serbesa at libre na rin ang hapunan bago kami tumulak ni Argel pauwi ng Maynila. Sobrang bait talaga ng mag-asawa.

Tignan ang mga larawan dito.

Monday, July 27, 2009

Ang Pagbabalik sa Caticlan

Ang Pagbabalik sa Caticlan

Naglayon akong magtungo sa Camiguin pagkatapos ng aking maikling bakasyon sa Caticlan pero pinigil ako ng aking pilay sa tuhod. Kinailangan kong magtungo sa ospital halos araw-araw upang magpa-physical therapy. Ayon sa aking physical therapist, maaari naman akong magbiyahe basta hindi ako maglalakad masyado. Sa tinuran niyang ito, naging masigasig akong sundin ang lahat ng mga bilin ng aking manggagamot.

Kaya naman napakahirap para sa akin ang desisyong huwag tumuloy. Kung sakali, ito kasi ang aking unang pagkakataong magtungo sa Camiguin. Hindi ko matutukoy kung gaano karaming lakaran ang magaganap. Magkakalayo pa mandin ang mga gusto kong puntahan. Mas mainam kung ipapahinga ko ang aking tuhod at umasang kakayanin ko na sa susunod na linggo. Natapos ang aking therapy dalawang linggo makalipas.

Ang kalikasan naman ang humadlang noong sumunod na linggo. Kahit na lakbay na lakbay na ako, makakabuting tumigil na lamang ako sa bahay sa aking rest days. Idagdag pa natin ang umpisa ng klase sa pamantasan. Naatasan agad akong maghanda ng presentasyon para sa isang klase sa susunod na linggo.

Naging bakante ako, sa wakas, noong huling linggo ng pagkabisa ng aking adventure pass. Nagpa-book ako ng lipad sa aking rest days. Pinaalalahanan ako ng isang kawani sa kanilang tanggapan na isang araw lamang ang maaari kong gamitin. Wala akong nagawa kundi magpa-book ng lipad pabalik sa Caticlan nang ika-walo ng umaga at pauwi sa Maynila nang ika-lima ng hapon. Kung ibabawas ko ang oras na ilalagi ko sa paliparan, masasabing anim na oras lamang ang aking bakasyon. Nakakabitin kung iisipin pero inisip ko na lamang na hindi lahat ng tao ay may ganitong pagkakataon upang masilayan ang kagandagan ng naturang isla.

Natatandaan kong napanood ko sa bus ang isang episode ng Extra Challenge bago ako tumulak. Dahil tinawag nila itong “Walang Liguan sa Boracay Challenge”, ang mga kalahok tulad nina Jen Rosendahl at Mickey Ferriols ay hindi maaaring maligo sa loob ng dalawang araw. Ilan sa kanilang mga pagsubok ay magpaunahang matunaw ang isang piraso ng mantikilya sa kanilang tiyan at paggamit ng hilaw na itlog bilang volleyball. Tunay na napakahirap nito kung ganoon kalalagkit ang dadapo sa iyong katawan. Lalo na kung sadyang mapanukso ang paglapit ng mga alon sa buhangin.

Ang palabas na ito ang nagsilbing inspirasyon ko upang hamunin ang aking sarili ng “Walang Banlawan at Walang Kainan sa Boracay”. Dapat kong igugol ang aking maikling panahon sa paglangoy at pagpapa-tan lamang! Ang pagligo naman ay sa Makati na magaganap. Hindi ko na kailangang maghanap ng matutulugan kaya posible naman ito. Ang pag-iwas sa pagkain? Ito ang tunay na hamon! Naisip kong kakayanin ko naman kasi hindi ko na maaabutan ang pagbukas ng buffet sa Station 3. Marami akong kinain bago lumipad bilang paghahanda rito. Kahit na batid kong papansin at marupok sa tukso ang aking tiyan, umaasa akong mananaig pa rin ang aking hangaring manalo.

Sa pagkakataong iyon, naging madali ang aking pagtungo sa isla mula sa paliparan. Natatandaan ko pa ang daan. Pero nakakamangha ang nakita kong pagbabago. Sementado na ang buong paliparan! Naging magaan ang lahat, tila wala akong baong agan-agam. Kumpara sa aking unang biyahe, isang see-through beach bag lamang ang aking dala. Tuwalya, sarong, damit na pampalit, cellphone at pitaka lamang ang aking dala. Naka-tankini at bikini na ako sa ilalim ng aking puting t-shirt at capri pants. Subalit, nalimutan ko pa ring magdala ng ponytail. Kailangan ko ito sa aking paglangoy upang hindi bumuhaghag ang aking buhok pagkatapos. Dahil dito, sa talipapa ang aking unang destinasyon sa isla.

Masyado pa yatang maaga para sa talipapa. Hindi pa bukas ang karamihan ng mga tindahan. Medyo natagalan ako sa paghahanap ng mabibilhan ng ponytail. Sa katunayan, hindi ko labis na naibigan ang disenyo ng aking nabili. Kailangan ko lamang talaga.

Nakunsensiya akong lisanin ang naturang pamilihan nang walang binibiling pasalubong. Wala talaga akong balak mag-uwi. Sariwa pa sa aking damdamin ang hinanakit sa aking nanay. Natagpuan ko kasi ang inuwi kong malaking bag para sa kanya sa aking silid. Inunahan ko na rin ang aking mga kaibigang huwag umasang makakapagdala ako ng pasalubong dahil nagtitipid ako. Pinilit kong kalimutan ang sumagi sa aking diwa. Hindi dapat makaramdam ng kalungkutan sa aking bakasyon!

Dinala ako ng aking mga paa sa Station 1. Mas gusto ko kasi ang buhangin doon kaya minabuti kong doon magtampisaw. Naghanap ako ng banyo upang makapaghubad ng damit. Naglatag ako ng sarong, nagpahid ng tanning lotion at tumakbo sa tubig-dagat upang maglublob. Napansin kong puro lumot ang nakalutang sa tubig. Ang tabing-dagat nama’y tadtad ng mga basura. Ang salaula naman ng mga turistang nauna sa akin!

Maya maya’y bumalik ako sa aking sarong upang magbilad. Tulad ng nakagawian, naghukay muna ako ng ilang dipa ng buhangin upang hindi mahirapan ang aking dibdib. Mataas na ang araw kumpara sa nakaraan kong pagpapa-tan. Umasa akong mas magiging madali ang lahat. Ang aking adhikain bago umuwi? Magpa-itim. Iyong tipong isusuot na lamang ako sa plastik, daing na ako.

Tulad ng dati, halinhinan ang paglangoy at pagbilad ko. May pagkakataong nakakarinig ako ng bulong na magsadya muna sa Jonah’s bago bumalik sa aking puwesto sa buhangin. Pero hindi ako nagpa-alipin sa tinig na iyon.

Nang tanghali na, nahalata kong lumalakas ang puwersa ng tubig. Hindi ko na kailangan pang umahon, dinadala na ako ng alon sa buhangin kahit labag sa kalooban ko. Kahit kapag nasa tabing-dagat lamang ako, napapaatras ako sa lakas ng pagtulak sa akin. Minsan pa’y hinahampas ako ng mga lumot, kahoy at mga basurang lumulutang dito. Hindi ko ito ininda. Matagal-tagal din akong nasabik sa Boracay. Hindi ako aalis.

Pero nakuha ko ring umalis. Hindi ko matiis ang kalam ng aking sikmura. Nagtungo ako sa isang kainan upang pawiin ang aking gutom. Tinanong ng kahera ang aking pangalan pagkatapos kong um-order, mukhang ililista niya sa aking resibo. Natigilan ako nang sandali at sumagot, “Vivian”.

Habang nasa hapag, bigla kong naalala sina Cherry at Alex. Kamusta na kaya sila? Nasa isla pa rin kaya sila o bumalik na sa Iloilo? O baka naman sa Maynila? Nagdalawang-isip ako kung papadalhan ko sila ng mensahe. Natakot akong baka pilitin nilang puntahan ako kung naroroon pa sila. Masaya pa mandin akong walang kasama. Pero nangibabaw pa rin ang hangad kong mangamusta. Ipinaalam ko sa kanilang kasalukuyan akong nagpapakabusog sa isla. Wala akong natanggap na tugon.

Hindi roon nagtapos ang utos ng aking tiyan. Bumili rin ako ng chocolate-peanut milkshake. Hindi ko pa ito nasusubukan. Huli na nang maalala kong naiwan ko ang bote ng Jonah’s nang nakaraan kaya dapat nagpa-takeout ako upang magkaroon ng bagong bote. Nakakaulol kasi ito sa sarap! Papasok pa lamang ako, tinakasan na ako ng aking diwa.

Matapos nito, nagsadya ako sa isang banyo upang buhusan ang mga buhangin sa aking mukha, dibdib, hita at sa iba pang bahagi ng aking katawan. Pandaraya ba ito? Hindi naman ako naligo. Nagpalit na rin ako ng damit. Muli kong sinuot ang aking capri pants at sinuot ko ang baon kong itim na t-shirt.

Hindi ganoon kadaling tanggaping malapit na akong umuwi. Naglakad-lakad ako upang pagmasdan muli ang buong isla. Napansin kong kakaunti na ang mga turista kumpara sa una kong pagdalaw. Palibhasa’y patapos na kasi ang Hunyo noon. Nakakasunog ang sikat ni Reynang Araw. Matatandaang maraming pumigil sa aking tumulak sapagkat halos bahain na ang Makati sa lakas ng ulan kagabi. Buti na lamang at hindi ako nagpaawat. Hindi rin naman sigurong masama kung uulan sa Boracay. May nabasa ako sa isang in-flight magazine kung saan may isang banyagang sa isla nakatira na nagwikang higit na kaaya-aya ang kulay ng karagatan ng Boracay kapag tag-ulan. Higit pa roon, matagal na akong hindi nakakaligo sa ulan. Walang kapantay ang malayang pakiramdam na nakakamit ko kapag ginagawa ko ito kasama ng aking mga kapatid. Tunay na nangungulila ako sa ganoong pagkakataon.

Natigil ang aking balintataw nang masilayan ko ang isang grupo ng mga batang naglalaro sa buhangin. Hindi sila bumubuo ng kastilyo. Tila gumagawa sila ng aquarium. Nasa lumang lalagyan ng ice cream ang mga maliliit na isda. Nakatunghay sila rito. Ang ilan naman ay tila nangingisda upang makapagdala ng bagong isdang ilalagay rito. Hindi ko man nauunawan ang kanilang sinasabi, batid kong naaaliw sila sa kanilang ginagawa.

Tumatak din sa aking isipan ang mga kumpanyang ginamit ang mga bangka bilang pagkakataon upang iendorso ang kanilang produkto. Pinili kong ibaling sa iba ang aking paningin. Umiiwas ako sa mga alaala ng siyudad!

Subalit dumating na ang takdang oras ng aking pagbabalik. Wala na akong pilay pero tila mabigat ang aking mga hakbang. Sa pagkakataong iyon, naging makatotohanan ang aking pagtanggi sa mga nag-alok na buhatin ako paakyat ng bangka. Nangungusap naman ang aking mga mata sa aking huling tanaw sa karagatan. Matatagalan marahil ang aking pagbabalik.

Hindi naman naulit ang mga pagtatanong ng mga guwardiya ukol sa aking pag-iisa. Pero nagtagal ako sa boarding terminal, hindi pamilyar ang mga kawani sa adventure pass na ipinakita ko. Naturingan pa mandin silang empleyado ng Seair! Ako pa ang nagpaliwanag kung ano ito. Hindi naman napigilan ng isang lalaking usisain kung totoong mag-isa lamang ako. Tumugon ako, baka may nakikita silang kasama ko na hindi ko napapansin. Hindi na ako nagpaunlak ng paliwanag kung bakit pinili kong mag-isa.

Punong-puno ng tao ang loob ng paliparan. Nahuli yata ang eroplanong nakatakdang lumisan bago ako dumating kaya naman siksikan ang mga turista rito. Wala akong maupuan. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ako umaasang may lalaking titindig upang ibigay ang kanyang upuan. Hindi rin naman mabigat ang aking dala kaya hindi na masama. Hindi rin nagtagal, dumating na ang eroplanong kanilang hinihintay. Nakaupo rin ako agad.

Kalahating oras rin ang aking hihintayin bago lumapag ang eroplanong sasakyan ko. Sa pagtatangkang aliwin ang aking sarili, ginamit ko ang aking cellphone upang kunan ng litrato ang aking pulang bag. Alam kong magugulantang ang aking mga kaibigan na makitang kakaunti lamang ang aking dala. Hindi ako natutuwa sa resulta kaya paulit-ulit ko itong ginawa. Dumating sa punto na nilipat ko ang monobloc na naglalaman ng aking bag sa harap mismo, upang maaninag ang eroplanong nag-aabang sa labas bilang background. Nang tagumpay ang aking pagkukuha ng litrato, napansin kong nakatitig pala sa akin ang isang grupo ng kabataan.

Ilang minuto pa! Tunay na nakakainip maghintay. Nakaramdam ako nang panghihinayang, sana’y iginugol ko ang oras sa isla. Pero ayoko rin namang mahuli. Sana talaga ay may kakayahan akong mag-astral travel! Nagpadala ako ng mensahe sa ilang kaibigan upang mairaos ang inip. Kinumpirma ko rin sa isang kaibigang tuloy ang aming lakad nang gabing iyon. Panonoorin namin ang aking paboritong bandang tumugtog sa saGuijo. Ipinagyabang ko rin ang tan lines na ipapakita ko sa madla maya-maya. Natuwa naman siya para sa akin.

Wala akong inaksayang oras nang ianunsiyong maari na kaming sumakay sa eroplanong pabalik sa Maynila. Lubos ang aking pagpapasalamat na nasa tabi na naman ako ng bintana. Magiging abala ako sa aking pagsulyap sa mga islang aming dadaanan.

Dahil hindi ko na maaaring gamitin ang aking cellphone, naisipan kong tignan ang aking sarili sa salamin. Lumuwa ang aking mga mata sa tumambad sa akin. Pulang-pula ang aking ilong at kanang pisngi. Sana man lang pati ang kaliwa para pantay. Pasalamat naman akong pantay ang pamumula ng aking mga mata. Isang himala na walang lumalapit sa akin upang sayisatin kung ako ba ay lango sa alak o humithit ng marijuana. Nagimbal rin ako sa buhanging dala-dala ng anit ko. Isang pagkakamali na magsuot ng itim na t-shirt. Hindi ako nalalayo sa mga modelo ng patalastas na may balakubak kuno! Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Hindi ako si Lorna. Ako si Vivian!

Nang lumapag na ang eroplano, tumalilis ako sa pagtakbo upang makahanap agad ng taxi. Sabi ko’y kailangan naming humarurot patungo sa aking opisina sa Pasong Tamo sa Makati. Nakarating naman kami. Subalit laking malas ko nang mabatid na sarado ang paliguan. Lumipat ako sa iba naming gusali sa Ayala Avenue. Laking pasasalamat ko nang makaligo na ako sa wakas. Mapula pa rin ang ilang bahagi ng aking mukha, pero umasa akong mas makakatawag-pansin ang nakalitaw kong tan lines. Ako na uli si Lorna. At ako lamang ang makakaisip magpunta sa Boracay sa loob ng anim na oras!

Saturday, May 30, 2009

Ang Unang Pagdayo sa Caticlan

Ang aking unang biyahe mag-isa ay hindi ko inaasahan. Hindi pa ako masyadong naglalakbay noon. Sa katunayan, naganap ito sa taon ng 2005: ang taong lubusang umusbong ang aking interes sa pagbiyahe. Sanay naman ako sa biyahe. Laging malayo ang aking paaralan sa aking tirahan mula nang ako ay bata pa. Nagtutungo rin kami ng aking pamilya sa probinsiya ng aking ama sa Maasin sa Timog Leyte at minsan sa Cagayan de Oro upang magbakasyon at makapiling ang aming ibang kamag-anak. Minsan na rin akong sinama ng aking ina kapag may biyahe sila ng kanyang mga ka-trabaho, tulad ng bakasyon nila sa Baguio. Marahil hindi ako maagang namulat sa biyahe sapagkat hindi masyadong mahilig ang aking ina rito. Lumaki naman akong hindi kapiling parati ang aking ama sapagkat naninilbihan siya bilang kusinero sa barko. Kahit na taga-Bicol ang aking lolo, sumalangit nawa, at taga-Antique naman ang aking lola, hindi naman sila bumalik doon. Subalit alam kong gusto kong makarating kung saan-saan, salat lang marahil na pagkakataon.


Nag-umpisa ang lahat nang magwagi ako sa isang paligsahan ng pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI). Ang panuto ay hulaan kung sino ang mananalo sa mga kalahok ng isang patimpalak na walang pinagkaiba sa kilalang programang, The Amazing Race”. Laking gulat ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan, nasa pahayagan raw ang aking pangalan at nagwagi ako sa naturang paligsahan. Nang mabalitaan ko ito, agad-agad kong sinadya ang tanggapan ng Southeast Asia Airlines (Seair) upang kunin ang aking pabuya: ang adventure pass.


Ang pag-aari nito ay nangangahulugang may kakayahan akong magbiyahe sa anumang destinasyon sa Pilipinas sa loob ng apatnapu’t limang araw. Kung hindi ko ito napanalunan, ito ay nagkakahalaga ng P16,500. Kailangan kong ipaalam sa kanila ang aking mga balak upang maisama ako sa bilang ng mga pasahero. Bigla akong nanlumo, kung maaari lamang ibalik ang adventure pass upang mapagplanuhan kong maigi ang lahat at upang makapagyaya ng mga makakasama. Masyado akong nasilaw sa aking pabuya. Tumatakbo ang oras!


Ipinaalam ko sa lahat ng aking kaibigan ang aking premyo. Tulad ng aking inaasahan, natuwa sila para sa akin at nainggit na rin. Niyakag ko silang samahan ako sa aking paglibot sa Pilipinas. Subalit hindi sila pwede. Mayroong kagagaling lang sa bakasyon at wala nang panggastos, mayroon namang hindi magkatugma ang aming iskedyul at karamihan nama’y walang naiipon upang makabili rin ng adventure pass. Kahit isang destinasyon lamang, hindi rin maaari.


Bigla akong nalumbay. Ito na ang pagkakataon kong masilayan ang kagandahan ng mga inaasam kong destinasyon tulad ng Caticlan, Palawan, Batanes at Camiguin, subalit hindi ko naman magagamit. Ang masaklap pa, hindi ako agad-agad makakapagbiyahe sapagkat baguhan lamang ako sa kumpanya noon, hindi pa maaaring lumiban. Bukod pa rito, nataon ang aking pagkapanalo sa aking aplikasyon bilang graduate student sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman noon. Kailangan akong maging libre sa loob ng susunod na dalawang linggo para sa aking nalalapit na pagsusulit at kapanayam. Nataon rin na may sira ang aking kamera nang sandaling iyon. Para sa akin, hindi kumpleto ang biyahe kung walang litrato ng mga tanawin at mga pagkaing masusubukan ko! Hindi ko napigilang isipin na posibleng hindi ito para sa akin.


Taliwas naman dito ang pananaw ng kaibigan kong si Mark. Sa dinami-rami ba naman ng sumali sa paligsahan na iyon, ako pa ang napili. Hinihikayat niya akong magbitiw sa aking tungkulin upang masulit ang aking adventure pass. Ganoon din daw kasi ang gagawin niya kung siya ang nasa kalagayan ko. Tulad ng iba kong kaibigan, hindi niya kayang bumili ng adventure pass. Subalit sagana siya sa mga mungkahi, sa kanya ko nakuha ang ideyang mag-tent na lang upang makamura. Hindi ko naman kayang bitawan ang aking trabaho, lalo na’t kailangan kong tustusan ang sarili kong pag-aaral at sagutin ang ilang gastusin sa bahay. Wala rin naman akong ipon. Dumating pa nga sa punto na nakiusap ako sa tagapangasiwa ng Seair upang bigyan si Mark ng diskwento upang may makasama ako at binida ko ang kakayahan niyang manghimok at ang kanyang malawak na network. Sumang-ayon naman ito subalit kulang pa rin ang sampung porsyentong diskwento para kay Mark.


Nang matapos ang aking pag-aasikaso para sa aking pagbabalik-eskwela, naging madali ang desisyon kong tumulak mag-isa. Pumasa ako sa UP, kaya’t nararapat lamang na magdiwang. Sa Boracay! Nagtungo ako sa tanggapan ng Seair upang ipalista ang aking paglipad. Itinaon ko ito sa aking rest days sa opisina, ika-labingtatlong araw mula nang maangkin ko ang premyo. Uuwi rin ako ng hapon kinabukasan para makapasok sa opisina kinabukasan.


Nagitla naman si Mark nang mabalitaan ang aking hangaring magtungo sa isla mag-isa. Lalo na kung ito ang aking unang pagkakataong magsadya roon. Tulad niya, pag-aalala rin ang naging reaksyon ng iba kong kaibigan. Alam kong mapanganib ang aking layunin subalit sayang naman ang adventure pass kung hindi ko gagamitin. Hindi rin naman sumagi sa isipan kong ibenta ito sa iba.


Nagtanung-tanong ako sa mga nakapunta na sa Boracay upang ihanda ang aking sarili. May nagsabi sa akin na para lang itong Puerto Galera, pagdating ko sa isla, maraming mag-aalok ng kwartong matutulugan. Samantala, si Mark pala ay hinagilap ang kanyang kaibigang si Alex upang hanapan ako nang matitirahan. Nakabase siya mismo sa isla.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ukol dito. Nakakataba ng puso na may kaibigan akong gagawa ng paraan upang masiguro ang aking kaligtasan. Pero tila nabawasan ang misadventure na nag-aabang sa akin. Inisip ko na lang na manggagaling ako sa magdamagang trabaho at mahaba-habang biyahe kaya isang ginhawa na rin na may agad akong matutuluyan.

***


Nang lumapag na ang eroplano sa maliit na paliparan ng Caticlan, nadaig ng kasabikan ang aking agam-agam. Nabiyayaan akong makaupo sa tabi ng bintana kaya naman kitang-kita ko ang makapigil-hiningang tanawin mula sa himpapawid. Natuwa rin ako na diretsong Caticlan ang biyahe ng Seair. Hindi ko marahil matatagalan ang inip kung sa Aklan pa at may dalawang oras pang biyahe patungo roon.


Hindi ko alam kung saan ang labasan mula sa paliparan kaya naman sumunod na lang ako sa mga pasahero. Nang mapansin kong ang mga kapwa ko pasahero ay may mga pribadong sasakyan bilang sundo, nagtanong na ako sa mga taong nag-aabang doon. Hindi naman ako mahiyain pagdating sa pagtatanong, lagi kong naaalala ang biro kung bakit umabot ng apatnapung taon ang Exodus ng mga Israelita: hindi kasi nagtatanong ng direksyon ang mga lalaki.


Tinuro nila ako sa sakayan ng mga traysikel. Dadalhin raw ako nito sa pantalan. Naaliw ako sa aking nakita. Mas mahaba at mas maraming tao ang kayang isakay ng traysikel nila. Dalawa sa tabi ng tsuper, apat naman ang kayang umupo sa likod. Bigla kong naalala ang mga traysikel o “motorella” kung tawagin nila sa Cagayan de Oro. Abot hanggang labing-isang tao ang kaya nitong isakay!


Nang matunton ko ito, nagpadala ako ng mensahe kay Alex na malapit na ako sa isla. Pumila na ako upang bumili ng tiket para sa bangka. Hiwalay pala ang pila para sa mga lokal at sa mga dayo. Pinasagot nila ako ng isang sarbey na naglalayong alamin ang aking profile at paraan at dalas ng pagtungo sa Boracay.


Nakatanggap ako ng mensahe kay Alex, nasa isla pa raw siya. Ihahatid niya pabalik ang kanyang bisita kaya hintayin ko na siya. Nagulat naman akong susunduin niya pa ako sa pantalan. Ang akala ko’y sa isla na mismo kami magkikita. Kaya naman tumambay muna ako sa pantalan. Tulad ng mga nababanggit sa akin kapag nagpapakuwento ako sa aking mga kaibigan ukol sa kanilang karanasan sa Boracay, marami ngang mga banyagang dumarayo rito. May napansin akong mga pamilyar na mukha, isa na roon ang isang tagapamahala ng isang resort ng White Beach sa Puerto Galera. Ang iba ay tila nakasabay ko nang mag-ehersisyo sa gym. Marami-rami pa rin pala ang nagtutungo rito kahit tapos na ang tag-araw. Ganoon siguro kaganda roon. Lalong sumidhi ang aking pananabik. Atat na akong lumangoy, maglibot at magpa-tan!


Maya-maya, may mensahe na naman mula kay Alex. Parating na raw siya. Tumugon naman ako at inilarawan ang aking kasuotan upang makilala namin ang isa’t isa. Hindi nagtagal at nagtagpo na rin kami. Wala siyang kasama kaya inisip kong hinatid na niya pauwi ang kanyang bisita. Kaakit-akit ang kanyang kasuotan! Naka-puti siyang pantaas at maikling palda. Kitang-kita ang kanyang pusod, hita at mga braso. Kapansin-pansin rin ang kanyang tan.


Masaya ang kanyang tinig at walang alinlangang bineso ako. Nakakahawa ang kanyang awra at napawi ang aking hiya. Hindi kasi ako sanay makipagbeso sa mga taong noon ko lang nakilala. Kunsabagay, nagkausap na rin kami noon nang pinakilala kami ni Mark sa isa’t isa sa pamamagitan ng isang conference call. Pinaalalahan ko ang sarili na iwan na ang mga inhibisyon sa naturang pantalan. Ilang saglit pa’y nasa paraiso na ako!


Bago kami sumakay sa bangka, pinuri ko ang kanyang bihis. Tumugon naman siyang mga ganoong pananamit ang naiibigan ng mga kliyente niya. Nagulat naman ako na naririto siya upang maghanapbuhay. Nag-umpisa na siyang magkwento na nagbitiw siya sa kanyang trabaho. Nasasakal siya diumano sa iniikutan niyang kalagayan sa Kamaynilaan. Napapatango lamang ako sa kanyang mga tinuran. Totoo lahat ito! Kaya raw sumugal siya at nagtungo sa Boracay upang takasan ang lahat at magnegosyo muna. Isa siyang masahista at ang kanyang “boytoy” (kanyang termino) nama’y naghe-henna tattoo. Paano na pagdating ng tag-ulan? Paano na kapag wala nang masyadong turista? Nagkibit-balikat lamang siya saka tumugon ng, “Bahala na,”. Nakakamangha ang kanyang kalayaan! Bakit hindi ko kayang maging malaya tulad niya?


Maya maya’y umandar na ang motor ng bangka. May kapalpakan ang pandinig ko kaya hindi ko na siya inusisa pa. Maaalibadbaran lamang siya malamang kung ipapaulit ko lahat ng sasabihin niya. Saka, gustong-gusto ko talaga ang katahimikan kapag nakasakay ng bangka. Sa himpapawid pa lamang, naakit na ako sa kulay ng karagatan. Inasahan kong mas maganda ito kung malapitan. Hindi naman ako nabigo. Nagtatalo ang berde at bughaw! Puting-puti naman ang mga along gumuguhit sa tubig. Bahagya akong tumalikod kay Alex upang higit na mapagmasdan ito. Naibigan ko rin ang malalakas na hampas ng hangin sa aking pisngi, pati ang pakiramdam na wala akong pakialam kung tinatamaan man ng buhok ko ang katabi ko. Gusto kong humiyaw, “Walang ganito sa Makati!”


Nang abot-tanaw na ang isla, napakunot ang aking noo. Napakaraming tao! Naunawaan ko na rin ang binanggit sa akin ng kaibigan kong si Mitchikoy na halatang hindi masusing pinag-aralan ang magiging disenyo nito. Tabi-tabi ang mga kainan at tindahan! Sa aking pakiwari, may igaganda pa ito.


Bago pa tuluyang dumaong ang bangka sa Station 1, nagsilapitan na ang mga lokal. Alam ko na ang kahulugan nito. Binalaan na ako ni Cleo kaugnay dito. Napailing ako nang makitang nagpabuhat ang mga banyaga sa mga nag-aabang na taga-roon. Triple pa sila sa bigat ng mga bumubuhat sa kanila! Alam naman nilang isla ang pupuntahan nila, alam nilang mababasa talaga ang mga binti nila bago makaapak sa tanyag na buhangin nito. Bakit pa sila nag-sapatos? Bakit sila magpapabuhat? Naawa naman ako sa mga taga-roon. Para sa halagang limang piso, magbubuhat ka ng humihingang baka na may dalang backpack? Wala naman sigurong magpapabuhat kung walang magbubuhat! Nakunsumi agad ako.


Nang pagkakataon ko nang lumusong sa tubig, may nag-alok na buhatin ako. Palibhasa’y umuusok ang ilong ko, hindi ako makaimik. Marihin akong umiling at maingat na pumanaog. Hinding-hindi ako magpapabuhat sa islang ito!


Nanumbalik ang aking galak nang maramdaman ko ang buhangin sa aking mga talampakan. Nakakabilib ang kaputian nito. Kakaiba rin ang kapinuhan nito, para akong nakatapak sa pulbos. Ang sarap marahil magpagulong-gulong dito!


Bigla kong naalalang kasama ko pala si Alex. Sumunod ako sa kanya. Ipinaliwanag niyang sasakay kami ng traysikel patungo sa aking tutulugan. Hindi naman naging mahirap ang pagtawag ng traysikel. Sumakay kami agad at nagpatuloy sa pagkukuwentuhan. Hindi ko naman maalis ang mata ko sa aming nadadaanan. Probinsiya man ito, maraming mga bar, kainan maging estasyon ng radyo. Pagkapara ni Alex, huminto ang tsuper at siningil na kami. Agad naman akong humugot ng barya. Nakipagtalo naman si Alex sa Bisaya. Maya maya’y pinaliwanag niya sa aking labis ang hinihingi ng tsuper dahil mukha kaming dayo. Ito na nga ba ang pinangangambahan ko kapag nagtutungo sa lugar na hindi ako maalam sa kanilang dialekto! Nilingon ko ang mama; napakamot siya sa ulo. Kahit hindi pa nakakabawi sa yamot si Alex, ipinahayag ko ang aking gulat sa kanyang abilidad mag-Bisaya. Ilongga pala siya. Nakakaintindi na siya ng Bisaya noon pero mas nahasa ito simula nang manirahan sila roon.

Tinahak na naming ang daan patungo sa aking tutulugan. Natuwa akong masaksihan ang mga bahay ng mga residente, ang mga batang malayang naglalaro sa daan at ang sulok ng isla na marahil hindi binibisita ng mga banyaga. Ang sarap ng pakiramdam kapag tumutugon sila ng ngiti. Ang payapa talaga sa isang probinsiya!


Habang naglalakad, sinariwa namin ang aming mga karanasan sa kolehiyo. Nakilala niya raw si Mark sa dormitoryo. Iba naman ang tinatambayan kong dormitoryo noon pero natatandaan kong dumadalaw ako sa kaibigan kong tumutuloy malapit sa kanila. Ilang linggo rin kaming nag-shoot ng telesine malapit doon. Pero hindi ko sila nakita noon. Napapatango naman ako sa kwento niyang laging nagyayakag kumain si Mark. Kung saan-saan na rin kasi kami dinadala ng aming katakawan. Siya rin ang parating pasimuno ng pagtungo namin sa mga buffet. Dinagdag pa ni Alex na sinisilipan niya ito kasi nagagandahan siya sa puwet niya. Nagulat naman ako, hindi ako handa sa ganoong antas ng pagbabahagi. Tumugon akong hindi ko napapansin pero sisipatin ko agad pag-uwi. Siya naman ang nagulat. Akala niya raw ay magnobyo kami. Kumuwala ang isang malakas at mahabang halakhak mula sa aking bibig.


Nang lumiko kami sa isang hilera ng mga paupahang kuwarto, alam kong narating na namin ang aming sadya. Tinuro niya sa akin ang dulong kuwarto. Papasok na sana ako sa aking silid nang pinakilala niya ako sa kanyang ate na nagngangalang Cherry. Napadpad siya sa Caticlan upang magbakasyon. Agad niyang inalam ang plano ko. Hindi ako nakasagot agad, wala akong konkretong plano para sa hapong iyon. Tinatanong niya ba ako upang samahan ako? Hindi ko inaasahan ang ganito, ang akala ko ay hahanapan lamang ako ni Alex ng kwarto. Tila nabasa ni Alex ang nasa isip ko. Bago ko isara ang aking silid, nagwika siyang, “Pinababantayan ka ni Mark eh.”


Nang mag-isa na ako sa kwarto, nakaramdam ako ng inis kay Mark. Kalabisan na yatang atasan pa ang ibang tao upang bantayan ako. Ayokong maging alagain at maging sagabal sa kanilang gawain. Nakondisyon ko na ang sarili kong mag-isa akong lilibot sa isla. Hindi man ako batikan tulad niya sa pagbibiyahe, may tiwala naman akong kakayanin ko ito mag-isa. Pero hindi ko naman siyang makuhang awayin sa text. Pasalamat pa rin ako sa kabutihang-loob niya.


Wala naman akong mairereklamo sa aking silid. Maluwag naman ito, pang-dalawahan ang kama, malinis ang kubeta. Wala nga lamang aparador kaya minabuti kong isalansan ang aking mga damit sa kalahating banda ng kama na hindi ko naman magagamit. Kontento na ako sa ganito. Mas maraming oras naman kasi ang igugugol ko sa labas. Kailangan ko lamang ng mapaglalagyan ng mga gamit, kamang matutulugan at banyong mapagliliguan. Hindi ko talaga maunawaan ang mga turistang naghahanap ng mga bagay na nasa siyudad tulad ng computer at swimming pool. Aanhin mo pa ang pool kung may dagat at buhangin naman?


Paglabas ko, naroroon pa rin ang magkapatid at niyaya na akong magtampisaw. Hindi na ako nagprotesta. Nang marating na namin ang tabing-dagat, pinakilala ako ni Alex sa kanyang katuwang sa negosyo/”boytoy” na nagngangalang Jersey. May hitsura siya, kayumanggi, mahaba at kulot ang buhok. Marahil nahalata ni Alex na kahinaan ko ang mga tipo ni Jersey, hiniritan niya akong pwede naming siyang paghatian. Natawa na lamang ako. Batid kong magkakasundo kami ni Alex. Ganoon din kasi ako magbiro.


Panandaliang tinigil ni Jersey ang paghe-henna upang sumama sa aming lumusong. Totoo palang malayo-layo rin ang mararating mo bago tuluyang lumalim ang tubig. Nakakapagpaginhawa ang lamig ng tubig at nakakaatat masilayan ang paglubog ng araw. Nanghinayang ako’t hindi ko dala ang aking kamera.


Natuklasan kong hindi pala nila ginagamit ang kanilang totoong pangalan sa isla. Hindi nila nilinaw kung anong posibleng panganib ang kanilang iniiwasan. Saka isa itong paraan na naisip nila upang takasan ang nakaraan. Naibigan ko naman ang ganon, mas malaya siguro kung gagamit ng ibang persona sa bawat paglalakbay. Agad nila akong bininyagan bilang “Vivian”. Tumutol naman ako, may hindi kanais-nais na alaala ang gumuhit sa isip ko dahil sa pangalang iyon. Pero hindi sila nagpaawat. Vivian na ang binansag nila sa akin simula noon. Pumayag na rin ako, maganda naman kasi ang tunog at ang ibig sabihin nito.


Hindi nagtagal ay umahon na sina Jersey at Alex upang maghanap-buhay muli. Kapag tumitigil kami ni Cherry sa paglangoy, naaaninag ko silang dalawang naglalaro ng Frisbee at nagtatawanan. Parang wala silang suliranin. Sabi ni Cherry, magaan lang ang trabaho pero malaki ang kinikita. Hindi nila kailangang gumising nang maaga, maaari silang matulog pagkatapos ng tanghali na kung tawagin nila ay “mercy hour” at malaki mag-tip ang mga kliyente. Mahina na raw ang tatlong libo sa isang araw. Namilog naman ang mga mata ko. Pwede pala iyon! Malaking kita, maluwag na oras at isang paraiso bilang lokasyon. Bakit nga uli ako nagtatrabaho sa Makati?


Bago pa dumilim at bago ako makaramdam ng gutom, umahon na rin kami ni Cherry. Nagpaiwan sina Alex, mag-aabang pa raw sila ng kliyente. Gusto ko sanang magpamasahe at magpa-henna sa kanila. Pero hindi ako maaaring maligo agad pagkatapos nito. Siguro kung mas matagal ang ilalagi ko sa isla, pwede pa. Bumalik na kami ni Cherry sa silid upang magbanlaw at magbihis. Nasabik siyang tumambay sa mga bar pagkatapos ng hapunan. Sigurado siyang may makikilala ako roon. Agad ko naman itong kinontra. Sa aking pananaw, marami nang bars sa siyudad. Hindi alak at panlalalaki ang layunin ko sa pagtungo sa Boracay o kahit sa anumang isla pa. Hindi ko ugaling maghanap ng ganoon. Gusto kong magpakasasa sa dagat hanggang ako’y kumulubot at mangitim. Saka, nagdududa akong may makakapansin sa akin. Nilinaw naman ni Cherry na hindi salat sa pagkakataon ang mga malulusog na tulad namin sa islang ito. Sumang-ayon naman ako, nakuha ko kasing magsuot ng panligo nang walang agam-agam. Totoo ngang walang pakialaman doon.


Halos wala nang makainan sa sobrang dami ng tao. Hindi pa naman ako gutom pero gusto ko nang kumain kung saan may bakanteng mesa. Natatakot akong baka matuklasan ni Cherry ang pagka-tamagotchi ko. Pilit namang inaalam ni Cherry kung ano ang gusto kong kainin. Wala namang partikular na putahe. Hindi rin nagtagal ay nakahanap kami ng makakainan. Um-order ako ng steak. May kamahalan pero sulit naman dahil tunay na malasa ito.


Kahit na ilang beses na akong tumanggi, nanaig pa rin ang kagustuhan ni Cherry na uminom kami pagkatapos. Isang bote lamang, giit niya. Naaliw ako sa aming napiling lugar. Masarap ang bean bag na aming inupuan. Matapos nito, nagkasundo kaming umakyat sa groto. Low tide na kasi. Nang dumating ako, hindi ka makakapanhik dito dahil sa taas ng tubig.


Dahil may nakikita kaming mga batang tila nakatuwad at may pinupulot sa tubig, binanggit ni Cherry na hindi pinahihintulutang mangisda ang mga residente dito. Kaya napipilitan silang manguha ng ibang lamang-dagat na pwedeng makain. Subalit maging ito ay mahigpit na ipinagbabawal din. Ano naman ang kakainin nila? Probinsiya man ito, matataas pa rin ang presyo ng mga bilihin sapagkat tanyag itong destinasyon para sa mga turista.


Nagpatuloy siyang isang impyerno ang Boracay, hindi ito isang paraiso tulad ng inaakala ng nakararami. Hindi ko naman maunawaan kung bakit at hindi ko rin masabi kung nais ko nang malaman ito. Talamak raw ang prostitusyon at pagtutulak ng pinagbabawal na gamot dito. Ang dami kong nakitang mga Pilipinang nasa piling ng mga banyaga. Ayoko ko sana silang husgahan subalit mahahalata naman ito sa kanilang pananamit. Hindi ko naman alam ang ukol sa droga.


Nagpaumanhin siya, pakiwari niya’y nagkalamat na ang aking pagtingin sa Boracay dahil sa kanyang mga tinuran. Wala naman siyang dapat alalahanin. May sumira na ng aking biyahe bago pa ako lumisan. Ipinagtapat ko ang sama ng loob ko sa aking ina at sa kanyang pagtutol na tumulak ako ng Boracay. Sabi niya, mas malayo ang mararating ng pera ko kung gagastusin ko sa mga makakahulugang bagay. Puro pasarap lang daw ako ng buhay. Ang masaklap pa rito, hindi niya na ako iniimik ilang araw bago ako umalis. Nakakasama ng loob magkaroon ng magulang na hindi sinusuportahan ang mga hilig ko. Ganyan na siya kahit noon pa. Sukdulan ang pagkontra niya sa aking pagsusulat at sa napiling kurso sa kolehiyo.


Hindi ko inaasahang mabubuksan ni Cherry ang aking puso nang gabing iyon. Kunsabagay, sadyang mas madaling magtapat sa isang estranghero. Siguro dahil hindi ka nila kilala at hindi na muling makakadaupang-palad sa susunod.


Napalitan naman ng kaba ang aking nararamdaman nang mapansing dumagsa ang kalalakihan sa ibaba ng groto. May ilan namang umakyat rin sa bandang tuktok. Agad akong niyaya ni Cherry pabalik sa aming silid. Pakiwari niya’y may magaganap na hindi maganda. Dali-dali kaming bumaba.


Nang matanaw ko na ang mga kastilyong buhangin, naging marahan na ang aking paglalakad. Akala ko noon ay nakatayo na ito dati pa. Ayon sa isang binatilyong lumikha nito, nag-uumpisa sila, sa tulong ng ibang batang nakapalibot doon, ng mga bandang ika-apat ng hapon. Nakakamangha ang mga taas at mga detalye nito. Hindi ko maikubli ang panghihinayang na hindi ko dala ang aking digital camera. May kamera nga ang aking cellphone pero hindi ako tiwalang magiging malinaw ang kalalabasan. Wala rin namang kamera si Cherry. Kumuha ako ng barya at nilagay sa lata na nilaan ng mga kabataan para sa mga donasyon. Tumulak na rin kami pabalik sa aming silid.


Hindi naging mahirap para sa akin ang makatulog nang gabing iyon. Kung tutuusin, tatlumpung oras na rin akong gising noon. Sa ibang pagkakataon kasi, sobrang hirap akong makahanap ng tulog. Hindi naman ako namamahay pero sadyang mailap sa akin ang antok kahit gaano man ako kapagod. Nang gabing iyon, sa ganap na ika-labing-isa ng gabi, hindi na ako dumilat pa pagpikit ng mga mata ko.


Nagising ako sa pagtunog ng aking alarm sa cellphone. Tunay na mahimbing ang tulog ko. Sanay na kasi akong magising bago ang takdang oras ng pag-alarm nito. Kung hindi man, paputol-putol ang aking tulog. Ika-pito’t kalahati na ng umaga. Dali-dali akong nagpalit sa aking panligo. Oras na upang ialay ang aking balat kay Reynang Araw!


Sarado pa ang silid nina Alex. Wala akong narinig ni isang kaluskos mula sa aking kinatatayuan. Nagalak naman ako sa oportunidad na mag-isa. Halos takbuhin ko ang daan patungo sa tabing-dagat. Natatakot akong baka bigla silang magising. Nang mailatag ko na ang aking sarong at iba kong gamit sa buhangin, saka na ako nagpadala ng mensahe sa magkapatid ukol sa aking kasalukuyang lokasyon. Natatandaan kong binanggit ko sa kanila ang aking hangaring magpa-tan pero minabuti ko pa ring ipaalala sa kanila. Naging maasikaso sila sa akin, ayoko naman silang mag-alala ukol sa aking kalagayan.


Lumangoy muna ako nang ilang saglit saka nagpahid ng tanning lotion sa buong katawan bago humilata sa aking sarong. Nakaramdam ako ng pangungulila sa aking kamera. Matutuwa si Lovelove kapag nakita niyang dinala ko sa Boracay ang binigay niyang sarong. Kapag humahapdi na ang aking balat, babangon ako upang magtampisaw at lumangoy. Tapos babalik ako sa aking sarong upang magpasunog. Inaamin kong medyo mahirap ang pagdapa para sa akin. Kaya nagbungkal ako buhangin saka nilapat ang aking sarong. Laking ginhawa para sa aking mga suso!


Walang katumbas na ligaya at kapayapaan ang naramdaman ko roon. Tila blangko lamang ang aking isipan. Hindi ko makuhang bigyang-pansin ang mga ibang tao. Para akong mag-isa sa paraiso. Lumusong ako muli para mapreskuhang muli. Natakam ako sa mga milkshakes sa Jonah’s. Ayon sa aking mga kaibigan, isa iyon sa mga dapat kong maranasan sa Boracay.


Nang bumalik ako sa aking sarong, nakatunghay lang ako sa karagatan. Hindi pa rin humuhupa ang aking paghanga. Nagulat ako nang may tumawag sa aking pangalan. Lalaki ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

“Doods?!” Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Si Doods ay dati naming ka-opisina ni Mark. Matagal-tagal na rin siyang nagbitiw.


Binalita niyang wala pa siyang trabaho. Naririto siya kapiling ang kanyang pinsang balikbayan. Sagot raw nito ang lahat ng gastusin niya sa loob ng labing-isang araw nilang paglagi sa Willy’s. Sa Dakak naman daw sila sa susunod na linggo sa loob ng limang araw. Libre pa rin! Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti, abot anit naman ang taas ng kilay ko. Kung ganyan naman ang mga pagkakataong lumalapit sa iyo kung wala kang trabaho, nanaisin ko na ring maging tambay!


Inalok niya ang hawak niyang shake mula sa Jonah’s. Tumanggi naman ako, matitikman ko rin ito maya-maya. Nagtanong naman siya kung sino ang kasama ko. Sumagot akong mag-isa lamang ako. Nagulat siyang mabatid ito. Hindi nagtagal ay lumisan na siya upang bumalik sa resort.


Ilang minuto pa, narinig ko na ang tinig ni Alex. Bakit raw ako nasa lilim kung gusto kong magpa-tan. Kasama niya sina Cherry at Jersey. Ipinaliwanag kong sumilong muna ako nang magkita kami ni Doods, nasisilaw kasi ako mula sa aking kinauupuan kanina. Ayon kay Cherry, tagumpay naman ang aking pagpapaitim. Bakat na ang linya sa ilalim ng aking tankini. Niyaya nila akong mag-almusal. May gusto raw ba akong kainan? Jonah’s lamang ang nasa isip ko noon. May makakain naman doon bukod sa milkshakes.


Inalok nila akong mag-flying fish. Dahil sa pangako nilang mas masaya ito kumpara sa banana boat, sumang-ayon naman ako. Habang naghanap sina Alex at Jersey ng nagpapatakbo ng flying fish, nagtungo naman kami ni Cherry sa Jonah’s upang mamili ng agahan naming lahat. May katagalan ang kanilang serbisyo. Pagdating nina Alex, minungkahi niyang kumain na lang kami pagkatapos ng flying fish. Handa na kasi ang magpapatakbo nito. Saka hindi magiging kumportable ang aming sakay kung busog kami. Baka appendicitis ang abutin namin. Tama nga naman ang kanyang katwiran.


Dahil kilala ni Alex ang magpapa-andar nito, mas mura ang singil nila. Naghati kaming apat sa aming bayad.

Iyon ang una kong pagkakataong makakita ng flying fish. Tulad ng banana boat, pinalolobo (inflated) ito upang masakyan ng tao. Mas malaki ito at bahagyang nakataas (tilted) ang harapan. Pagkasuot namin ng life vest, lumugar na kami sa espasyo para sa mga pasahero. May mga hawakan kami sa taas ng aming ulo at kailangan naming dumapa. Kailangan naming kumapit habang umaandar ito nang ubod ng bilis sa loob ng dalawampung minuto. Kapag may nahulog, titigil ang flying fish upang makasakay muli ang pasahero. Mas pabor ako sa ganitong kondisyon. Nagunita ko ang mga kaibigan kong nahirapan na iahon ako noon sa banana boat. Tinakot ko ang sarili kong maiinis sila kapag nahulog ako. Bago umandar ito, nagpahiwatig si Alex ng kanyang paniniwalang kakayanin naming ito. Mas maganda raw kung walang mahuhulog upang masulit namin ang aming bayad. Tama!


Hindi pa nag-uumpisa ang lahat ay mabilis na ang tibok ng puso ko. Nagtatalo ang kaba at pananabik. Hinigpitan ko ang kapit. Natutusok na ng mga kuko ko ang palad ko. Hindi ako mahuhulog!


Lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko nang umusad na kami. Tunay na mabilis ang pagpapa-andar. Napapahiyaw ako sa tuwa. Napapatihaya, napapatagilid at napapadapa uli kami. Nahuhubaran naman daw si Cherry, unti-unti nang bumababa ang kanyang shorts. Natawa kaming lahat.


Natatandaan kong hindi ko magawang imulat ang mata ko habang nakasakay sa banana boat. Nakakasilaw kasi ang araw at natatalsikan ng tubig-dagat ang mga mata ko. Sa pagkakataong iyon, dilat ako kaya’t nakikita ko pa ang mga ibang islang nadadaanan namin.


Ang tantya ko ay malapit nang matapos ang aming pagragasa; bumilib ako sa sarili kong kakayahang kumapit. Subalit bigla akong napabitaw! Totoo pala ang dati ko pang naririnig na “Ang bilis ng mga pangyayari!” Hindi ko matandaan kung ano ang nagdulot ng aking pagkakatapon sa dagat. Nahirapan akong tanggapin ito! Sinikap kong bilisan ang paglangoy patungo sa flying fish. Nagtatawanan sina Jersey at Alex. Nahulog rin pala si Cherry. Pero mas malapit naman siya kumpara sa akin. Hindi muna siya lumapit, malamang inayos ang kanyang salawal. Tulad naman ng aking karanasan sa banana boat, hindi ko agad maisampa ang sarili ko. Hinila pa nila akong tatlo. Nahiya naman ako, mahirap kasi ipaliwanag kung bakit mabigat pa rin ako kahit nasa tubig.


Pumuwesto uli kaming apat at nagpatuloy ang flying fish. Isang panibagong yugto na naman ito ng hiyawan at pagbali-baligtad. Nang ganap nang tumigil ito, nanatili kaming nakadapa habang humihingal. Masaya siya, nakakahapo nga lamang. Napuna kong medyo masakit ang aking tuhod. Ininda ko naman ito, malamang tumama lamang ito sa kung saan. Nasa buhangin na kami’t naglalakad patungo sa Jonah’s pero napapailing pa rin ako sa saya. Gusto ko pa!


Naputol ang aking pagpaplanong mag-flying fish uli pagbalik nang dineklara nina Alex at Jersey na hindi muna sila kakain. Biglang nagkaroon ng kliyente si Alex. Magnenegosyo naman daw muna si Jersey. Si Cherry na raw ang bahala sa akin. Nang mga sandaling iyon, napagtanto kong gutom na ako at nais kong maisakatuparan ang kagabi ko pang hangaring mag-sinigang na baboy. May nirekomendang kainan si Cherry kagabi, lilampung piso lang raw para sa ulam na pang-dalawang tao at kanin. Dinala niya ako sa Blue Berry upang mananghalian. Desidido akong mag-milkshake sa Jonah’s pagkatapos.


Halos tanghali na rin noon kaya matao na sa paligid. Habang nag-aabang sa aking sinigang, nagpalinga-linga ako sa mga tindahan. Nadiskubre kong bukod sa pagbebenta ng load, may serbisyo pala na nagpapa-renta ng cellphone. Ayon kay Cherry, may mga banyagang turistang na nangangailangan nito.


Sa pagtingin-tingin ko sa paligid, napansin ko ang presenya ng artistang si Katya Santos. Dinagdag naman ni Cherry na naglipana ang mga artista roon, lalo na si Marc Nelson. Halos doon na raw tumira sa Boracay. Noong isang araw daw, nagkagulo ang mga taga-roon dahil nasa isla pala ang mga artistang Koreano na tauhan sa isang Koreanovela. Halos hindi na ako nakakanood ng telebisyon kaya hindi ko kilala ang kanyang binanggit na artistang Koreano.


Dumating na ang aking sinigang bago pa tuluyang kumalam ang aking sikmura. Mainit na mainit pa ang sabaw. Naibigan ko rin ang asim nito. Tulad ng inaasahan, sariwang-sariwa ang gulay. Sulit! Akalain mong limampung piso lang ito? Kailangang mabalitaan ito ng tatay ko.


Nang mabusog na kami, nilisan na namin ang Blue Berry upang maglakad-lakad at magkuha ng litrato sa aking cellphone hanggang sa marating naming ang Jonah’s. Nakakatuwang kasama si Cherry, lagi siyang tagumpay na patawanin ako. Nakakasiguro akong hindi siya nagtatangka. Ramdam kong likas na ito sa kanya. Hindi ko maiwasang makita ang sarili ko sa kanya. Ako rin kasi ang komedyante pagdating sa barkada.


Dahil paborito ko ang lasa ng tsokolate, chocolate milkshake ang napisil kong bilhin sa Jonah’s. Naaliw ako sa hitsura ng plastik na bote na naglalaman nito. Nakaukit kasi ang logo ng Jonah’s. Halatang pinapasadya nila ito. Mabilis ang desisyon kong iuwi ito sa Cavite bilang alaala ng aking katangi-tanging karanasan.


Sumakay na kami ng traysikel pauwi. Kailangan ko kasing dumaan sa ATM para sa aking gagastusin sa pamimili ng pasalubong. Bukod pa roon, mas masakit na ang aking tuhod. Agad akong naligo at nagbihis nang mapag-isa. Napakagulo tignan ng aking silid. Hindi ko muna inayos kasi mag-aayos din ako pagkatapos kong mamili.


Sinamahan ako ni Cherry sa Talipapa. Wala siyang bibilhin kaya pakiwari ko’y abala talaga ako sa kanya. Lalo na nang hindi ko na maikubli ang matinding sakit sa aking tuhod. Napuna niya kasing lagi akong nahuhuli. Tumitigil siya hanggang mag-abot kami, minsan nama’y binabalikan niya ako upang sabay kaming maglakad.


Nakabili ako ng piyaya at iba pang pagkain na ipamimigay sa mga kaibigan at kapatid at tank top at linen pants para sa sarili. Pinigil ko naman ang sarili kong bumili ng dreamcatcher sapagkat alam kong mas masuwerte ito kung bigay ng iba. Pabago-bago naman ang aking isip kung bibilhan ko rin ang aking nanay. Hindi man ako binigyan ng diretsong payo ni Cherry, napagtanto ko ring ibig ko siyang bigyan. Matapos ng matagal na pamimili, isang malaking Boracay bag ang aking iuuwi para sa kanya. Pareho kasi kaming mahilig sa malalaking bag. Sigurado akong maiibigan niya ito. Umaasa rin akong magiging paalala ito ng aming pagkakatulad kesa lalong paghiwalayin ng aming pagkakaiba, lalo na ng aming interes sa paglalakbay.


Ika-tatlo na ng hapon nang ako’y matapos sa pagsuyod ng Talipapa. Nagimbal ako nang mapansin ang oras. Ika-lima’t kalahati kasi ng hapon ang takdang oras ng paglipad ko pauwi ng Maynila! Naliligaw kami ni Cherry. Bukod pa rito, hindi pa ako nakakapag-impake! Binanggit sa akin ni Cherry na ganap na ika-apat naman ang huling luwas ng bangka patungong pantalan. Mapanganib na kasi ang alon kapag inabot na ng takipsilim. Hindi ko na mapigilan ang kabog ng aking dibdib.


Kahit saan kami dumaan ni Cherry, hindi namin matanaw ang kalsada. Sa aking kaba, halos nalimutan ko ang sakit ng aking tuhod. Kailangan ko ng traysikel higit kailanman! Pasalamat ako nang nahanap na namin sa wakas ang daan pauwi at nang makatawag na kami ng traysikel. Pero hindi pa rin nagbabago ang bilis ng aking pulso.

Nilipad ko ang daan patungo sa aking silid. Bakit kasi nasa dulo pa ito? At, sa dinami-rami ng pagkakataon, bakit kailangang ngayon pa kumirot nang ganito ang aking tuhod? Kahit na gahol na sa oras, hindi ko matagalan ang lagkit ng aking balat sa pawis. Nakuha ko pang maligo. Habang ginagawa ko ito, naglalaro sa aking isipan na magpaiwan sa isla. Pero hindi talaga maaari.


Lalo akong nataranta nang tumambad sa aking paningin ang ga-bundok na damit. Hindi ako magkandatuto sa pagkahot at pagtiklop ng mga gamit ko. Gigil na gigil ako sa pagpiga ng mga basang damit, sarong at tuwalya. Hindi ko na nagawang pagpagin pa ang buhangin sa mga tsinelas ko, pinasok ko na agad sa plastik. Pinilit kong pagkasyahin ang lahat ng aking gamit sa aking backpack at ang aking mga pasalubong sa Boracay bag na nakalaan para kay Mama. Halos ayoko nang tignan ang aking orasan.


Hinatid ako ni Cherry sa sakayan ng mga bangka sa Station 1. Nasasaktan siya para sa akin, hindi niya naiibigan ang hitsura kong ika-ika maglakad at halos makuba sa dami ng dala. Nagtangka akong magpaalam kay Alex at Jersey para wala sila noon sa kanilang silid. Nagpadala na lang ako ng mensahe kay Alex. Nakakalungkot na hindi ako makakapagpaalam nang maayos. Makakarating naman daw ang aking pagbati, sabi ni Cherry.


Habang nagtatagal ay lalong sumasakit ang tuhod ko. Bago ako sumampa, hinarang ako ng isang taga-buhat. Umiling ako, hinding-hindi ako magpapabuhat. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Marahil hindi siya nakumbinse sa pag-iling ko, umupo siya sa aking gilid at pinuwesto ako sa kanyang mga balikat. Nagpumiglas ako, kaya naman pagewang-gewang kami nang tumindig na siya. Huwag ko raw labanan at baka mahulog ako. Natakot naman ako, pakiwari ko kasi’y hinihila ang taas na bahagi ng aking katawan. Sapat na ang isang aksidente. Inaamin kong maginhawa ang pakiramdam nito, sobrang sakit kasi talaga kapag dinidiretso ko ang aking kaliwang tuhod. Nagpasalamat ako at nagbigay ng bayad. Hindi na iyon mauulit.


Puno ng alaala ang aking isipan at hindi ko matanggal ang ngiti sa aking mukha habang lulan ako ng bangka. Bitin man ako, tunay na espesyal pa rin ang aking naging karanasan. Narating ko na ang isa sa ipinagmamalaking isla ng ating bansa, bininyagan ako bilang Vivian, natamo ko ang aking pinaghirapang tan lines, naranasan ko ang flying fish at nagsilbing inspirasyon sa akin ang magkapatid na Cherry at Alex. Nakaramdam na ako nang lungkot nang tumila na ang bangka. Lilisanin ko na talaga ang isla.


Naging mahirap para sa akin ang bawat hakbang. Buti na lamang at nakaabot ako sa oras kaya hindi ko kailangang takbuhin ang daan. Malayo pa lamang ako sa pasukan ng paliparan, nararamdaman ko na ang habag sa akin ng mga guwardiya. Nang makalapit na ako, pinakita ko sa kanila ang aking ID. “Mag-isa ka lang?” tanong ng isa. Umoo ako. Nang makita ng isa ang aking ID, nagwika siyang, “Sykes Asia? Kanina pa sa loob ang mga kasama mo.” Nilinaw kong mag-isa lamang ako. Maaaring mula kami sa iisang kumpanya, pero mag-isa lamang ako. Nabasa ko ang pagtataka sa kanilang mukha.


Naaawa man ako sa sarili ko sa ika-ika kong paglalakad, nakaramdam ako ng bilib sa sarili na nagawa kong maglakbay mag-isa. Kahit noong una ay may alinlangan ako at nakaramdam ng desperasyon na magsama ng kahit na sino, tumuloy pa rin ako at tunay na naligayahan. Dahil matagumpay ako, hindi na ako natatakot na tumulak sa isang destinasyon mag-isa. Batid kong kakayanin ko na.


***
Ito ay bahagi ng aking papel paglilinang ukol sa mga karanasan ng mga babaeng nagbibiyahe mag-isa.